Dalawang yummy actor na magaling ding kumanta, may relasyon!

Pinag-uusapan na pala ng mga marites ang closeness ng dalawang guwapitong aktor na magaling ding kumanta.

Reliable ang nagkuwento sa aming may namumuo raw na relasyon sa dalawa, at aware na raw dito ang ilang malalapit nilang kaibigan.

Na-involve sa isang kontrobersya ang isang guwapitong aktor, at umabot na sa demandahan ang iskandalong ‘yun.

Ang isang guwapitong aktor naman ay tahimik lang pagkatapos sumemplang ang isa niyang malaking project.

Tanggap na raw ng ibang mga malalapit na kaibigan at hindi naman daw ito malaking isyu sa kanila.

Sa totoo lang, ang dami na talagang nasa alter world na ang guguwapo e magdyodyowa pala.

Meron pa nga kaming narinig na mga guwapitong singer din ay nagdyoyowaan, at hindi lang silang dalawa, kundi tatlo. Threesome raw ang drama.

Iba na nga ang panahon ngayon at open na sila sa ganitong lifestyle.

Hindi naman mga all-out na bading talaga, kundi may pagka-fluid na kahit may girlfriend, may boyfriend din.

Siguro masanay na tayo sa ganitong setup na nagkakadyowaan hindi na kinokonsider ang gender. Basta masaya sila at walang inaagrabyadong tao, go lang!

Jimmy ginulat si Joey!

Expected na naming magti-trending ang pilot episode ng It’s Your Lucky Day, ang pansamantalang ipinalit sa It’s Showtime suspendido ng labindalawang-araw.

Simple ang konsepto ng noontime show na ito nina Luis Manzano, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Jennica Garcia at marami pa.

Ipapadama nila sa mga manonood na suwerte sa kanila ang araw na ‘yun sa mga tututok sa naturang programa.

Kuwela nga ‘yung hanash ni Luis Manzano na in-announce na raw nila na huling dalawang linggo na nila ang naturang programa.

Hindi ko lang napanood nang buong-buo itong It’s Your Lucky Day dahil panay ang silip ko rin sa Eat Bulaga at E.A.T.

Tamang-tama, birthday ni Joey de Leon at ipinagdiwang nila ito sa naturang programa.

Bongga ang isa sa sorpresa sa kanya, ang pagdating ni Jimmy Santos na sinasabi naman niya noon na malapit pa rin sa kanya ang Dabarkads niya sa dating Eat Bulaga.

Walang kaide-ideya si Tito Joey sa pagdating ni Jimmy na nagpakilalang si Papa Ethan, ang isa sa karakter nila sa segment nilang Gimme 5.

Magaling talaga mag-isip ng ganitong pakulo ang mga staff ng dating Eat Bulaga na sumama sa grupo ng TVJ.

Tinanong ko naman si Paolo Contis kung ano ang pinaghandaan nila bilang pantapat sa pagpasok ng It’s Your Lucky Day. Wala naman daw. Pero parang public service program ang Eat Bulaga nila nung Sabado, dahil sa mga natulungan nila at dinala pa nila ang G sa Gedli sa studio.

Naluha ako dun sa isang labandera na taga-Bulacan na wala pang isang libo ang kinikita niya sa loob ng isang linggo.

Kitang-kita ang sincerity kina Paolo, Isko Moreno, at Buboy Villar na nabagbag sila sa kuwento nung babae at gusto nila itong tulungan.

Abangan natin bukas kung ano ang rating ng tatlong noontime shows na ito, kahit nagti-trending pa itong It’s Your Lucky Day.
 

Show comments