BFF na ni Atasha...contract ni Carren sa Eat Bulaga, ‘di totoong binili ng E.A.T.

Carren Eistrup

Pinaghandaan ng Merlion Entertainment ang kanilang Trade Launch three days ago. Although medyo matagal-tagal na rin sila sa industriya hindi sila nagkaroon ng formal launching as management group.

Ang Merlion ang nasa likod ng grupong Calista, ang all-girl group na mabilis na gumawa ng pangalan.

Last Thursday nga ay nagkaroon sila ng trade launch kung saan pinakilala nila ang 20 artists na ginanap sa Podium Hall, Ortigas.

Kabilang sa kanilang dazzling array of artists ay si Carren Eistrup (na hindi naman pala totoong binili ng E.A.T. ang contract sa Eat Bulaga, kundi itinuloy lang ng E.A.T. ang contract nito sa TAPE Inc. BFF na rin niya si Atasha Muhlach) ang Bida Next Winner; Binibining International 2022 Nicole Borromeo, singer/songwriter Tera, Sing E.A.T. finalist Luna and Calista na binubuo nina Olive, Anne, Elle, Daine and Denise na mas nakilala nga sa hot songs nilang Race Car and Don’t Have Time.

Founded by CEO Gener Dungo, idinidiin nilang ang kanilang mga artist ay testament to the company’s commitment to nurturing and showcasing diverse talents umpisa nang itatag ito noong 2018.

Sa nasabing launching din ay ipinakilala sina Luna, Caitlyn Stave, Nicol de Guzman, Monique Vazquez, Kayelah Gomez, Chef Miguel David, Jimsen Jison,Jean Drilon, Dana Alexa, Angelgrace America, Laiza Comia and Jessica Dungo.

At lahat sila ay may kanya-kanyang unique talent during their performances na hinangaan ng mga andun sa nasabing trade launch.

Bukod sa talent management, ang Merlion ay isang events and production company rin.

At isa sa mga hinawakan nila ang 2019 Miss Teen Philippines (MTP) na ginanap noon sa New Frontier.

Kasama rin sila sa nag-produce ng programang Tols starring Betong Sumaya, Rufa Mae Quinto and Calista’s Olive.

Ganundin ang sold-out event na Vaxx to Normal concert na hinandog nila sa COVID-19 frontliners na pinangunahan ng CALIXTA. “This is just the beginning of Merlion Entertainment,” pangako ni Mr. Dungo.

Karen, itatampok ang millennial couple na naging milyonaryo dahil sa bike

Mapapa-”sana all” ang mga manonood dahil sa ‘couple goals’ na magbabahagi ng kwento ng pag-ibig at tagumpay kina Karen Davila at Migs Bustos sa My Puhunan ngayong Sabado (Oct. 14).

Makikilala ni Karen ang millennial couple na sina Aiko at Sherwin Grabillo na ngayon ay self-made millionaires dahil sa pagbebenta ng bike at e-bike. Ibabahagi nina Aiko at Sherwin kay Karen ang kanilang pagsisimula sa pagbebenta ng mga piyesa gamit ang hiniram na bisikleta hanggang sa tuluyan na nilang napalawak ang kanilang negosyo.

Bilang paraan ng pagbabalik, nagbibigay rin sina Aiko at Sherwin ng isang bisikleta kada buwan sa isang karapat-dapat na estranghero.

Sa Oktubre, ibabahagi ng mag-asawa ang kanilang blessing sa netizen na si Cristina Iral na nagkomento sa Facebook page ng My Puhunan. Samantala, itatampok ni Migs sina Abdullah at Maha, isang mag-asawang Muslim na ginamit ang kanilang husay sa pagluluto para magbenta ng chicken biryani gamit lamang ang P500 bilang kanilang kapital.

Show comments