^

PSN Showbiz

Angeli Khang, suportado ng ibang Vivamax stars sa six counts of criminal charges

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Angeli Khang, suportado ng ibang Vivamax stars sa six counts of criminal charges
Angeli Khang

Nagpahayag ng suporta ang ilang artista ng Vivamax kaugnay sa isinampang kaso ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. o KSMBPI laban kay sexy star Angeli Khang.

Six counts of criminal charges, citing Article 201 of the Revised Penal Code in relation to Cyber Crime Prevention Act of 2012 ang isinampa kay Angeli dahil daw sa mga nai-post ng mga sinasabi nilang ‘explicit scenes’ na kuha sa mga pelikulang nagawa niya.

Sabi ng mga taga-KSMBPI, sila nga raw ang watchdog of the cyberspace of the Philippines kaya binabantayan daw nila ang mga ipinu-post ng sexy stars na ito sa kanilang social media account na madaling makita ng mga kabataan.

Unfair daw ito kay Angeli, reaksyon ng ilang kapwa Vivamax stars. Sabi ni Rash Flores na naka-partner si Angeli sa ilang pelikula, bahala na raw si Boss Vic del Rosario dun.

“Wala naman siyang nilabag sa batas kaya naniniwala kami na mapapawalang-bisa ‘yung kaso,” pahayag nito sa nakaraang story conference ng bagong pelikulang gagawin nila na Virgin Sisters.

Kasali rin sa pelikulang ito ang isa ring palabang Vivamax artist na si Audrey Avila.

Pagdating sa kaso ni Angeli, aniya ay nakikisakay lang sila sa kasikatan ng sexy actress.

Kaya ang payo ni Lara Morena na ang mga anak ay nagbi-Vivamax na rin pati ang tatlo niyang pamangkin, huwag papaapekto sa mga sinasabi ng iba laban sa kanilang ginagawa sa mga Vivamax movies.

“Para sa akin, dapat siguro lawakan pa natin ‘yung mentality natin bilang manonood, bilang Pilipino. Na sana suportahan natin ang mga artista, sana huwag natin silang ibagsak.

“Iangat natin... hindi biro ang magtrabaho ng ilang oras, simula sa direktor, sa production team. Pinaghihirapan namin ito talaga,” saad ni Lara Morena.

Joshua, papunta na sa psycho!

Limang linggo na lang ay matatapos na ang Unbreak My Heart na first collaboration ng GMA 7 at ABS-CBN Entertainment.

Mas matindi na ang mga nangyayari, at ang daming twist na magaganap. Sabi nga ni Joshua Garcia na gumaganap bilang si Renz sa teleser­yeng ito, papunta na raw sa Psycho ang role niya rito.

Ibang-iba nga siya rito kumpara sa ibang nagawa niyang teleserye at pelikula.

Pero marami pang stars sa teleseryeng ito na napansin at maraming unforgettable scenes na nagtatak sa mga manonood.

Isa na rito ang wedding scene na sinabihan sila ni direk Manny Palo na mahirap ang eksenang ito at ilang beses itong kukunan pero nagampanan nila nang maayos.

Agree ako sa sinabi ni Nikki Valdez na meron siyang nagawang eksenang napaka-memorable sa kanya.

Napakagaling niya rito at nadala niya si Will Ashley na gumaganap bilang anak niya.

Si Nikki si Luz dito na nanay ni Jerry ginagampanan naman ni Will. “Si Luz and Jerry, ang ganda ng dynamics namin dito.

“Anak ko siya sa first husband ko. So, before I met my second husband, nagkaroon kami ng time na ako lang ang nagpapalaki sa kanya,” pakli ni Nikki sa mediacon ng Unbreak My Heart na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN nung nakaraang Biyernes.

Naka-relate raw siya sa role niya at mga eksenang ginawa nila ni Will.

“Parang true to life din naman ‘yung mga eksena namin ni Will as mother and son.

“Will has a long way to go, and nakikita ko deep itong batang ito. May something siya talaga,” dagdag na pahayag ni Nikki.

Kaya nagpasalamat si Will sa mga magagandang sinabi ni Nikki sa kanya. “Happy ako na maririnig ‘yung ganun from her.”

“Sobrang naging palagay na ‘yung loob ko kay Ate Nikki, kasi nung mag-isa lang kasi ako nun sa Europe. Wala akong kasama. Hindi ko kasama si Mommy. Siya ‘yung naging nanay ko sa loob ng halos isang buwan sa Europe,” sabi pa ng Kapuso young actor.

Tugon naman ni Nikki, “Nung kami lumipad, para akong totoong may anak na kasama na pumunta ng Europe. So, that really helped a lot with our scenes. Kaya, hindi talaga kami nahirapan.”

ACTRESS

ANGELI KHANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with