Simula ngayong Lunes ay mapapanood na sa TV5 ang Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nina Belle Mariano at Donny Pangilinan.
Kaabang-abang ang bawat eksena sa bagong serye dahil ibang-iba ang tema nito kumpara sa mga nagawa ng tambalang DonBelle sa mga nakalipas na taon. Gagampanan ni Donny ang karakter ni Bingo na lumaki sa hirap habang si Belle naman ay gagampanan ang karakter ni Caroline na mula sa isang mayamang Chinese family. “Bingo is a guy who grew up with maybe not the best background. And he’s gone through a lot of things I haven’t gone through yet. I think it’s very exciting for us to go through these kinds of characters because it really opens up a new portal of how we interact with each other,” makahulugang pahayag ni Donny.
Umaasa ang aktor na tatatak sa isipan ng mga tagahanga ang kanilang bagong serye na napapanood na rin sa Netflix ngayon. Para kay Donny ay isa ito sa mga pinakamagandang programa ngayon na kailangang pakaabangan ng mga manonood. “Hopefully, it can be remembered as one of the best shows that will come out of this collaboration. Hopefully, it can be a journey towards something more,” giit niya.
Samantala, para kay Donny ay talagang malayo na ang narating ni Belle bilang isang ganap na aktres. Matatandaang nagkatambal ang DonBelle sa He’s Into Her (2021), Love Is Color Blind (2021) at An Inconvenient Love (2022). “For someone who’s been in the industry for a while since she was a kid. Parang you’d expect na ‘yon na ‘yung atake niya. Kasi she already knows the gist of the industry and stuff. But I think she’s grown so much in terms of her artistry and how she plays around with her emotions, the different takes she does. How she approaches life, work and being professional. It’s very diferrent from the day I met her in He’s Into Her. Even the way that she prepares is very different. I think she has so much pa that she can do even if she has already proven so much. It’s so nice that in every project, she will still show a different side of her. Like, ‘Wow!’ that’s all I can say,” paliwanag ng aktor.
Pasok sa kapalit ng Showtime… Francine, makikipagsabayan kina Luis at Melai
Masayang-masaya si Francine Diaz dahil nakasama bilang isa sa mga host ng It’s Your Lucky Day na mapapanood ng dalawang linggo simula ngayong araw. Aminado si Francine na nakararamdam ng kaba dahil kailangan niyang makipagsabayan kina Luis Manzano, Melai Cantiveros at Robi Domingo na kilala bilang magagaling na hosts. “Ang challenging part is ‘yung makisabay ka sa spiels. Kasi may mga adlib, so ang hirap ng, ‘Ano ba ‘yung ipapasok ko dito? Sabihin ko na ba ‘yung line ko?’ Or pwede ba akong mag-adlib or huwag na lang baka pumanget. Timing and critical thinking. Sabi ko kung kailan takot akong gawin ang isang bagay, doon ko pipiliin ‘yon. Kasi doon ako maggo-grow eh,” pagtatapat ni Francine.
Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil napili sila ng katambal na si Seth Fedelin na mapabilang sa pinakabagong programa ng ABS-CBN.
Napapanood ang It’s Your Lucky Day sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, A2Z, GTV at iWantTFC. “I’m very happy kasi pinili nila kami ni Seth na mapasali sa Lucky Day, we’re very lucky. I feel grateful kasi sa dinami-dami ng artista sa ABS-CBN, kami ‘yung napili. Saka lagi ko ngang sinasabi, work ‘yan. Kailangan natin ng work,” nakangiting pahayag ng dalaga.
(Reports from JCC)