Kapamilya naglunsad ng tatlong bagong digital shows
Tatlong bagong ABS-CBN News digital content ng mga balita, impormasyon, at entertainment ang inilunsad ng ABS-CBN News noong weekend sa hangaring palawakin pa ang pamamahayag.
Salit-salitan sina Ganiel Krishnan at MJ Felipe sa pag-host ng lingguhang recap ng pinakamalalaking kuwento sa showbiz at entertainment na ipinalabas sa TV Patrol. Ipapalabas sa ABS-CBN News Facebook page (facebook.com/abscbnnews) tuwing 4 p.m. ang episode, isang araw pagkatapos ng YouTube run nito.
Handog din ng news team ang Bistado M.O. (Modus Operandi), na muling bibisitahin ang mga kaso ng krimen at mga scam na sakop ng metro at justice reporters ng ABS-CBN at payuhan din ang mga manonood kung paano maiiwasan na maging biktima.
Pangungunahan ito ng veteran police reporters na sina Zyann Ambrosio at Jeff Caparas simula 4:30 p.m. tuwing Sabado sa ABS-CBN News YouTube channel at Linggo sa ABS-CBN News Facebook page.
Ipapalabas din ang Patrol ng Pilipino: Playlist na magpapakita ng mini-news magazine ng mga vertical video na orihinal na inilabas ng Patrol ng Pilipino, ang mobile journalism initiative ng news organization.
Nagho-host ang bawat reporter ng isang compilation ng content ayon sa konsepto, mula sa on-the-spot na mga coverage at explainers, hanggang sa mga feature sa pagkain at pamumuhay. Kasama sa reporters ay sina Doris Bigornia, Michael Delizo, at Ganiel.
- Latest