APO Hiking, may concert para sa kanilang 50th Anniversary

MANILA, Philippines — Ang mga uso ay dumarating at umalis, ngunit ang mga classic hit of APO Hiking Society ay laging andyan.

Ang kanilang chart-topping melodies ay hot-wired pa rin sa totoo lang sa mga Pilipino mula dekada ‘70 hanggang sa new century.

At ngayon ay ipagdiriwang ng natitirang miyembro ng legen­dary band member na sina Jim Paredes at Boboy Garovillo ang kanilang 50 years of friendship in music sa APO Hiking Society 50th Anniversary Concert na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater sa Nobyembre 17.

Nangako sila ng sentimental trip down memory lane that spans five decades sa nasabing concert.

Ang isa sa pamana ng grupo sa lahat ng henerasyon na talagang nagpapaligaya sa mga nakakasabay nito sa edad ay ang Panalangin.

Ganundin ang classic tracks na Awit ng Barkada at Batang Bata Ka Pa.

Actually, ang daming magagandang kanta ng APO na kinalakihan ng lahat na ang sarap pakinggan.

Nakatanim na nga ang legacy ng APO sa landscape ng Original Pilipino Music o “OPM,” isang terminong likha mismo ng yumaong si Danny Javier, isa sa mga original na member ng APO.

Sa kanilang pangalan, naglabas sila ng mahigit 200 track at 27 album in a span of half a century, na may dalawang matagumpay na tribute album na ginawa noong 2006 at 2007 featuring numerous young bands.

Celebrate APO Hiking Society’s golden milestone and relieve the magic of the classics in the APO Hiking Society: 50 Years Solid Gold concert at the Newport Performing Arts Theater. Tickets are now available at all TicketWorld and SM Tickets outlets.

Show comments