^

PSN Showbiz

Julie Anne at Rayver, maraming beses tumakbo sa bomb shelter!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Julie Anne at Rayver, maraming beses tumakbo sa bomb shelter!
Rayver, Julie Anne, Daryl at mga kaibigan

MANILA, Philippines — Safe na nakabalik ng bansa ang Kapuso artists na sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at Boobay mula Israel?.? Dapat ay may concert sila roon nung Sabado, ang Luv Trip Na, Laff Trip Pa.? Pero hindi ito natuloy dahil sa pagputok ng giyera roon na naranasan nila mismo.

Lumapag ang eroplano nila sa Clark International Airport nung Lunes ng gabi, pagkatapos nilang mag-stopover ng ilang oras sa Dubai.

Nakausap namin nung Martes ng gabi ang manager ni Julie Anne sa Sparkle na si Daryl Zamora at isinalaysay niya ang mga naranasan nila roon ?k?ung saan nagtago na lang sila sa AirBnB na tinitirhan nila.

Nagising daw sila alas-sais ng umaga ?n?ung mismong araw ng concert, Sabado, at narinig nila ang malakas na pagsabog.

Kaagad na tinawagan daw sila ng producer ng concert na may giyera na, kaya ??kanselado ang kanilang concert.

Sa AirBnB na tinitirhan nila ay merong bomb shelter dahil required ang lahat ng bahay at establishment na merong bomb shelter na pagtataguan kapag magkakaroon ng bombahan.

Ipinadala niya sa amin ang litrato ng bomb shelter na isang maliit na kuwarto na may dalawang single bed lamang sa loob. At hindi na raw nila mabilang kung ilang beses sila tumakbo ng bomb shelter tuwing makakarinig sila ng sirena.

Ang sabi raw kasi sa kanila, kapag may siren, dapat in one minute ay nasa loob na sila ng bomb shelter. “Si Rayver naliligo, biglang sumabog. Takbo ulit kami. Si Rayver naka-cycling shorts pa nagtatakbo papasok dun sa shelter. Hindi na kami lumabas kasi sunud-sunod na ‘yung bomba,” bahagi ng mahabang kuwento sa amin ng manager ni Julie Anne.

Buong araw ng Sabado, hanggang nung Linggo kung saan naka-schedule ang flight nila pabalik ng Maynila ay hindi na raw sila natulog sa takot na baka any moment may sasabog ulit.

Nung kinagabihan na medyo tahimik na raw at wala na silang naririnig na sirena at pagsabog kaya’t sinubukan daw ni Daryl na lumabas ng tinitirhan nilang AirBnB para bumili ng rosaryo sa mall.

“Si Rayver naglambing papabili raw ng rosary, saka si Julie.

“Ako naman, marami akong kaibigan dun. Nagpasama ako. Nung nasa labas naman ako, pagkatapos kong nabili ‘yung rosary, dun naman nagbomba uli.

“Sa CR kami tumakbo. Kasi raw, sa mall, ang CR daw ang pinakamatibay na ano, na pundasyon ng building. Sa CR kami, mga Pilipino dun, ibang lahi, dun kami.

“Nung natapos ‘yung bomba, sakay agad ng taxi pauwi.

“Ayun, hindi na kami natulog kasi sunud-sunod na ‘yung bomba.

“Hindi ka talaga makakatulog, kasi hindi mo talaga alam kung saan babagsak e. Kasi ‘pag nahimbing ka, paano kung nagsirena? E ang sabi, one minute dapat nasa loob ka na ng shelter. Dahil 90 seconds, babagsak ‘yung bomba,” patuloy na salaysay ni Daryl.

Nagpapasalamat pa rin daw sila sa Panginoon dahil talagang naiwas daw sila sa panganib.
Kagaya nung tinitirhan nilang AirBnB, pangatlo na raw ‘yung tinirhan nila dahil ‘yung dalawang unang napili ay maliit para sa kanila.

Nalaman na lang daw nilang ‘yung isa sa dapat na titirhan nila ay natamaan ng bomba.

Nakalipad daw sila sa talagang flight nila na hindi na-cancel o na-delay. Kaya naisip daw nilang baka hindi pa talaga nila oras.

“Sabi ko, talagang hindi pa panahon natin mamatay. Kasi lahat umayon sa amin ultimo ‘yung flight namin kinabukasan, hindi na-cancel,” pakli nito.

Pagkaalis lang daw nila, nabalitaan daw nila sa ilang kaibigang nasa Israel na pinasabog pala ang airport.

Kaya ang dami raw natutunan nila Julie Anne sa karanasang ‘yun.

“Takot si Julie...na parang ang dami nilang realizations ni Rayver na parang ganun pala.

“Hindi ko alam kung... kaya talagang, enjoy your life to the fullest talaga. Kasi life is too short.

Hindi mo alam e,” sabi pa nito.

Paulit-ulit silang nagpapasalamat sa Panginoon na nalagpasan nila itong giyera sa Israel.

Nag-post si Julie Anne sa kanyang Instagram account na patuloy daw sana nating ipanalangin na matapos na ang kaguluhang ito.

Lotlot, nakipaglandian

Marami-rami na ang napanood na entries sa Metro Manila Film Festival dahil next week na ang announcement ng apat na pelikulang napili para mabuo ang walong official entries sa ngayong taong MMFF.

Ayaw nang magpa-pressure ni direk Joel Lamangan sa dalawang pelikulang isinumite niya, ang Lola Magdalena at Ang Ina Mo.

Si Lotlot de Leon ang bidang ina sa pelikulang Ang Ina Mo na mala-Mona Lisa ng Insiang ang peg niya rito.

Sabi ni Lotlot, first time raw niyang ginawang makipaglandian sa pelikula. Kailangan ang ilang eksenang kalandian niya rito ang lover niyang ginampanan ni Rico Barrera.

May nagawa naman daw siyang kissing scenes kay Monching Gutierrez, pero dito sa Ang Ina Mo ay talagang nakipagharutan daw siya na ngayon lang niya nagawa sa isang pelikula.

Kasama nila sa pelikulang ito sila Charlie Dizon na talaga namang consistent na magaling at si Jameson Blake na love interest dito ni Charlie.

JULIE ANNE SAN JOSE

RAYVER CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with