Heart, may patikim sa collab sa Italian fashion designer

Heart Evangelista at Giambattista Valli

May ‘rock and constant’ sa birthday ni chiz

May patikim si Heart Evangelista sa kanyang susunod na fashion collaboration. “Something exci­ting happening soon …

It was a sweet afternoon @giambattistavalli ! kisses,” sabi niya sa kanilang photos.

Si Giambattista Valli ay isang sikat na Italian fashion designer at suki sa mga fashion show sa Europe.

Sumagot kay Heart ang nasabing designer “Love you! @iamhearte”

Intriguing ang mga comment sa nasabing post ni Heart. Merong message na “Sana di na nman manakaw ang mga contacts madam! Nakakaloka na talaga lol.”

Meron pang nagsabi ng “Still shadow banned, but slaying every moment”

Parang dedma naman si Heart sa mga nasabing komento at mga follower na rin niya ang sumasagot.

Meron talagang ganun?

Samantala, maiksi lang ang birthday message ni Heart sa mister na si Sen. Chiz Escudero. “Happy birthday to my rock and my constant @escuderochiz I love doing life with you ”

Burado na nga ang kung anumang pinagdaanan nila noon at ngayon hindi na halos sila naghihiwalay ng mister.

Show comments