May bagong tahanan na ang Unang Hirit.
Yup matapos ang matagal na panahon, lumipat na sila.
At dito na sila napapanood since Monday.
Makikita sa kanilang bagong studio ang blends ng innovation, technology, and aesthetics habang nananatiling nakatuon sila sa serbisyo publiko.
Sinasalamin diumano ng ‘bagong tahanan’ nila ang makulay na personalidad ng programa, pinagsasama ang aesthetics at function na may mga makabagong elemento. Kabilang dito ang isang 360-degree rotation platform, mga LED na video wall, and differently-oriented plasma displays, including an interactive monitor.
In addition, gumagamit na rin sila ng RedSpy, an optical tracking system that allows immersive graphics executions.
Ang nasabing new UH studio set was designed by the US-based company FX Design Group, kilala for its use of cutting-edge technology in projects for some of the world’s top broadcasters bukod pa sa marami na raw itong napanalunang Emmy awards for its set and lighting designs, along with several PromaxBDA awards for broadcast design and four Newscast Studio Set of the Year awards.
Kevin Vicker of FX Design Group shared his inspiration behind the set, “My inspiration for the studio is really the GMA team. They are a world-class team, so I knew FX should give them a world-class studio… I think what makes it unique is the combination of both beauty and function – it’s a beautiful set, very colorful, bright, modern; it really reflects the personality of the studio and the people in the Philippines,” he added.
Sinabi GMA Public Affairs Vice President Arlene Carnay ang importansiya ng pagbibigay ng makabagong handog sa mga manonood.
“This studio marks a milestone for Unang Hirit. With its world-class technology and thoughtful design, we are set to elevate our presentation of news, information, and public service. Each area is intentionally crafted to provide a more dynamic morning viewing experience. Para mas lalong gaganda ang gising kasama ang Unang Hirit,” shared Carnay.
Tuloy naman ang paghahandog ng mga istoryang may katuturan ng mga anchor nitong sina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali upang masigurong well informed ang mga manonod sa pag-uumpisa ng kanilang araw.
“Ang major transformation na ito [ay] para sa mas level up na paghahatid ng balita at impormasyon, saya at pagpapatuloy ng Serbisyong Totoo. Sana pati ang mga viewer namin natuwa,” said Igan.
“Sobrang maaliwalas, parang maraming space na pwede puntahan,” shared Susan Enriquez.
“Iba ‘yung energy ng tao, Nakaka-excite, nakaka-up ng mood,” sey naman ni Ivan.
“‘Yung umiikot na set, hindi lang sya high tech. It also symbolizes UH being well-rounded – hindi lang pang-balita at pang-kasiyahan, lahat-lahat [na] ng kailangan ng viewers,” hirit naman ni Mariz.
Samantala, napapanood din sa programa sina Suzi Abrera and Lyn Ching ganundin si Matteo Guidicelli, Chef JR Royol, Attorney Gaby Concepcion. Weather Presenter si Anjo Pertierra and bringing an extra dose of morning cheer and surprises sina Shaira Diaz and Kaloy Tingcungco
Ang Unang Hirit ay umeere weekdays at 5:30 a.m. on GMA and its official Facebook page.