Bagong pelikula ng taray queen pang-MMFF...
May kurot sa puso ang trailer ng pelikulang possible entry sa Metro Manila Filmfest 2023, In His Mother’s Eyes, starring Maricel Soriano, Roderick Paulate and L.A. Santos.
Trailer pa lang, maluluha ka na. Kaya mapili sana ito bilang official entries sa MMFF this year.
Twenty films ang diumano’y nag-submit para sa four remaining slots. At malalaman ang kapalaran ng apat na pelikulang papasok sa eight official entries sa Oct. 15.
Nauna nang namili ng four official entries ang MMFF.
Anyway, kung meron mang actress na sobrang in demand sa kasalukuyan, si Maricel Soriano ‘yun.
Grabe parang every week nasa presscon siya para i-promote ang bagong project.
Nauna rito ang inclusion sa Pira-Pirasong Paraiso ng original Taray Queen and Diamond Star.
Sumunod ay ang Linlang na mapapanood sa Prime Video na nag-umpisa na kahapon umere at ito ngang In His Mother’s Eyes.
May vlog pa siya na ang naging guest niya kamakailan ay si Cherry Pie Picache. Pero wala raw silang pinag-usapang linlangan.
Pero pinagdasal niya raw ito, na maging aktibo ulit bilang actress. “Biglang hinahanap hanap mo pala ang showbiz,” pag-amin niya.
Naalala niya kung paano, sa loob ng maraming taon, patuloy niyang tinatanggihan ang mga TV and movie offer nung magpasya siyang huwag magretiro ngunit maghinay-hinay lang sa trabaho.
Na aniya ay karapatan niya ang mahabang pahinga dahil nagtrabaho siya mula noong five years old siya. “And here I am now, sinagot na panalangin dahil hiniling ko talaga sa Panginoon na ipaalam sa akin kung oras na para magpatawa at magpaiyak na ulit ako,” chika ng actress.
Ano naman ang reaction tungkol dito ng isang nag-iisang Diamond star na nasa bucket list ng mga kabataang artista na masampal niya.
“Naku, sabi ko, huwag! Masisira ang mukha n’yo,” tumatawang chika niya sa media conference ng Linlang.
“Kasi, ano... kung comedy madadalian ako, hindi ‘yun masakit. Eh, ganito ‘pag drama hindi ko magawa ‘yung i-control kasi ‘yung galit ko, lahat nandun,” dahil nga hindi raw niya kayang dayain ang mga eksenang sampalan dahil sa matinding emosyon.
Umamin si Kim Chiu na natigalgal siya sa sampal ng Diamond star sa Linlang.
Na bago nga naganap ang nasabing sampalan ay binigyan pa raw siya ng gamot ni Maricel na para sa pamamaga ng mukha.
At pagkatapos ng eksena na-realize ni kung bakit siya binigyan nito. Though hindi naman daw namaga ang mukha niya.
Dito sa In His Mother’s Eyes, makikitang kakaibang ina naman ang kanyang gagampanan sa anak na may special needs.
Well, ‘pag magaling ka talagang actress, hindi ka pwedeng kabogin.