Drag queen arestado... Pura Luka Vega, nanghihingi ng pangpIyansa

Pura Luka

MANILA, Philippines — Maraming nagbunying netizens nang arestuhin ang drag queen na si Pura Luka Vega matapos ‘di dumalo sa preliminary investigation ng kasong kriminal na isinampa laban sa kanya sa Maynila.

Inilabas ang warrant of arrest kahapon sa kabila ng paghahain nito ng motion for reconsideration.

Habang hindi nakakapag-bail ay mananatili muna sa kulungan si Pura.

At nakakaloka, nanghihingi ang team nito ng pangpiyansa.

Nauna na siyang idineklarang persona non grata ng Maynila dahil sa kontrobersyal na Ama Namin (Our Father) performance.

Maalala ngang nag-trending ang video ng nasabing performance ni Pura Luka Vega habang nakasuot siya ng pang-Santo.

Show comments