Pelikula ni Bea sa US, hindi bumenta sa mga pinoy!
MANILA, Philippines — Grabe, talagang hanggang Amerika, mahina rin ang pelikulang Tagalog.
Talaga raw mabibilang mo lang sa ‘yung daliri ang nanonood.
Imagine, ‘yun daw pelikulang 1521 na pinagbibidahan ni Bea Alonzo, aapat ang nanonood sa isang sinehan doon.
Nagulat daw ang ilang Pinoy doon na umasang kikita ang pelikulang ‘yun na pinagbibidahan ng actress.
Sayang noh.
Nilagare pa naman daw ni Bea ang pelikulang ito nung ginagawa niya ang teleseryeng Start-Up.
Kung sabagay, majority talaga ng Tagalog films ang nagdurusa sa kasalukuyan sa takilya.
Hindi na nga nila alam kung paano i-encourage ang mga tao na manood ng sine.
Kung pwede lang nga sana nilang sunduin, gagawin siguro ng mga producer para dalhin sa mga sinehan ang mga manonood.