Super Junior sub-unit, nag-instant concert sa birthday ng anak ni Pacquiao

Eunhyuk, Manny at Jinkee Pacquiao

Wow sosyal ang birthday celebration ng anak nina former senator Manny and Jinkee Pacquiao na si Princess Pacquiao.

Naki-celebrate lang naman sa kanila ang Super Junior member na si Eunhyuk.

Nasa Instagram story ni Jinkee na kumakanta ang Super Junior sub-unit member sa kanilang bahay ng As Long As You Love Me at Killing Me Softly With His Song.

Game sila sa kantahan at naging backup ang pamilya Pacquiao.

Mukhang biglaan lang ito kaya sa cellphone pa ito tumi­tingin ng lyrics.

Sina Eunhyuk at Donghae ay members ng Super Junior D&E fifth sub-unit at nagkaroon sila ng 2023 D&E World Tour Fancon sa Araneta Coliseum noong Sept. 30.

Post naman ng Pambansang Kamao biglang pagbati sa anak: “17 and shining bright!  Happy Birthday to my incredible daughter, @mpacquiaoo We are so proud of you. Love you always! HAPPY BIRTHDAY!”

Hindi ma-social media si Princess at wala itong post tungkol sa special guest nila sa bahay.

Favorite ng mga Korean star ang Pambansang Kamao at idolo nila talaga ito.

Show comments