Ricky Davao, naka-relate sa Cobweb

Ricky Davao at Song Kang-ho

Kahit si Ricky Davao ay pinuri ang South Korean dark-comedy film na Cobwed na rated R-16 ng MTRCB nang magkaroon ito ng special scree­ning kamakailan.

Starring Parasite lead actor and 2022 Cannes Best Actor Song Kang-ho, mapapanood sa local theaters ang Cobweb umpisa ngayong araw.

Unique ang atake sa pelikula na tungkol sa mga irony sa paggawa ng pelikula.

“Personally naka-relate talaga ako sa dito Cobweb kasi nga, taga-pelikula rin ako, dahil ganun ang theme ng movie. At saka, nakita ko at na-experience ko ‘yung passion, ‘yung problema sa paggawa ng pelikula, problema ng mga artista, mga tsismis, at mga nangyayari sa shooting.

“I wish makagawa rin ako ng ganitong movie, na dark o black comedy. Very intelligent ang pagkakasulat, pagkakagawa,” sabi pa ng mahusay na actor at director.

Distributed by TBA Studios sa bansa, ang Cobweb, na magbubukas nga sa mga sinehan today, ay susundan ang kuwento ng direktor noong ‘70s na si Kim Yeo (Song Kang-ho) na naniniwala na isang alternatibong pagtatapos sa kanyang natapos-ngunit-hindi-pa-palabas na gawing masterpiece.

Show comments