^

PSN Showbiz

Niño Muhlach, 50 years na sa showbiz

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Niño Muhlach, 50 years na sa showbiz
Niño Muhlach

Hindi man masyadong aktibo sa pagiging aktor ay abala naman si Niño Muhlach sa kabi-kabilang negosyo. Bukod sa sariling bakeshop ay mayroon ding sariling building ang aktor. Ayon sa kinilalang Child Wonder of the Philippines noon ay ang amang si Alexander Muhlach ang talagang namahala sa lahat ng kinikita ni Niño noong kanyang kabataan. “Nagpapasalamat ako because my dad was always there to guide me. Inayos niya po ‘yung buhay ko eh. May building kami and lahat ng pelikula ko kami nag-produce (D’Wonder Films). So lahat ng kinikita no’n may royalty po ako. Siya po ‘yung nag-start ng trust fund para sa mga bata. I really owe everything to my dad. He really looked out for my future,” pagtatapat ni Niño sa YouTube channel ni Karen Davila.

Ang ama rin umano ang palaging nagpapaalala sa da­ting child superstar na maging mapagkumbaba sa lahat lalo pa’t hindi permanente ang kasikatan.

Masaya si Niño dahil malapit nang magdiwang ng kanyang ika-limampung anibersaryo sa show business. “It is something to be proud of because not everyone can say that they have been in showbiz for 50 years. ‘Yung daddy ko po, at the height of my popularity, lagi niyang pinapaalala sa akin na, ‘Niño, darating ang araw na mawawala lahat ‘yang kasikatan mo na ‘yan. So ‘pag dumating ang araw na ‘yon dapat handa ka.’ Kaya I was always prepared. Talagang consistent ‘yon, lagi niyang pinapaalala,” kwento ng aktor.

Vice, inaalay sa namayapang direktor ang natanggap na parangal

Kamakailan ay pinarangalan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) si Vice Ganda para sa kanyang kontribusyon sa Philippine comedy movie industry.

Matatandaang pumatok sa takilya ang karamihan sa mga pelikulang pinagbidahan ng komedyante. “Maraming, maraming salamat po sa pagkilala n’yo sa naging contribution ko sa industriya ng pelikula. Nagpapasalamat ako sa Film Development Council for considering me as one of the few celebrities na binigyan n’yo ng pagpaparangal o tropeyo. Maraming salamat po,” nakangiting pahayag ni Vice sa It’s Showtime.

Iniaalay ng Phenomenal Box-Office Superstar ang pagkilalang natanggap kay Wenn Deramas. Ang namayapang direktor ang gumawa ng comedy films na lalong nagpasikat kay Vice pagdating sa pagpapatawa. “Siyempre inaalay ko itong karangalan na ito sa lahat ng direktor at bumuo ng pelikula ko lalung-lalo na sa the late great Wenn V. Deramas ang gumawa ng pangalan ko sa pelikula. Maraming, maraming salamat po. Si direk Wenn din ang nagpaingay ng pangalan ko sa pelikula. Siya rin ang dahilan kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon nabigyan ako ng phenomenal box office awards. Tapos eventually Phenomenal Box Office Superstar na ‘yung in-award sa akin ng Guillermo,” pagbabahagi niya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Vice sa lahat ng Madlang Pipol na patuloy na tumatangkilik sa kanyang mga ginagawang proyekto mula noon pa man. “Buong pagpapakumbaba kong inaalay itong karangalang ito sa lahat ng Madlang Pipol na patuloy na naniniwala, patuloy na tumatawa sa lahat ng ginagawa ko. At sa patuloy na pagmamahal sa akin unconditionally. Maraming nanood ng pelikula ko dahil ginagawang pantakas ng napakaraming Pilipino sa nararamdaman nilang lungkot, sa nararamdaman nilang galit, sa nararamdaman nilang kawalan ng pag-asa. Sa mga taong gusto nilang maiyak pero manonood na lang sila para makatawid at makatakas sa bigat na nararamdaman nila. Fee­ling ko ‘yon ang essence ng pelikulang nagawa ko kaya mara­ming, maraming salamat po. I share this award with my family, to my Showtime family and sa Little Ponies, sa lahat ng Madlang Pipol at kay Ion (Valdez, kasintahan ni Vice), sa atin ito,” pagtatapos ng Phenomenal Box-Office Superstar. — Reports from JCC

ACTOR

NIñO MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with