Joshua, maramot na sa lovelife!
Matagal nang nauugnay si Joshua Garcia kay si Emilienne Vigier.
Madalas daw kasing nakikitang magkasama ang aktor at ang atleta. Mayroon na nga bang espesyal na ugnayan sa pagitan ng dalawa? “Para maklaro na lahat and wala nang maitanong ang lahat, baka kasi sabihin nila dine-deny ko ‘yung babae, ‘di ba? Hindi ko siya dini-deny. It’s just that, ako and her decided not to share it to everyone. Kasi ‘yung relationship na ‘yan ay kami lang naman ‘yung parte do’n eh,” makahulugang paglilinaw ni Joshua.
Matatandaang naging kontrobersyal ang hiwalayan nina Joshua at Julia Barretto ilang taon na ang nakalilipas. Natuto na umano ang binata na hanggang maaari ay gawing pribado na lamang ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. “Galing na kasi ako sa iba’t ibang klaseng relationship. Every time na sini-share ko siya sa lahat, parang nagkakagulo. Nagiging shaky ‘yung relationship kasi. This time mas pinapahalagahan ko ‘yung privacy ko para sa gano’ng aspect. Hindi lang do’n, pati sa pamilya ko, di ba? Hanggang maaari kasi sa panahon ngayon, mas okay kung private na lang tayo,” paliwanag ng aktor.
Iza, tuloy ang kampanya sa Eddie Garcia bill
Marami nang nagawang horror films si Iza Calzado. Ngayon ay muling magbibida ang aktres sa Shake, Rattle & Roll Xtreme na posibleng makakalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong Kapaskuhan. Masayang-masaya si Iza dahil nakabalik na sa trabaho pagkatapos manganak nitong Enero lamang. “It feels great to be back working. Honestly, kapag gumagawa ako ng isang proyekto, ayaw kong maglagay ng expectations kasi nakaka-pressure siya. I enjoy the process of making the film. I enjoy promoting the film. Ang aking dasal ay maraming makapanood ng pelikula. Ang tagumpay po ng isang pelikula ngayon really will signify the coming back to life of Philippine Cinema,” nakangiting bungad ni Iza.
Kamakailan ay dumalo ang aktres sa pagpupulong sa Senado ukol sa Eddie Garcia Bill na nilahukan din ng ilang mga artista at manggagawa.
Pinag-usapan umano ang ilang mga benepisyo para sa entertainment industry workers. “I am quite passionate about having our industry have the best kind of practice to professionalize the industry in a sense that we would have the best working hours. Sabi nga ni Senator Jinggoy (Estrada), he wants this to be win-win for all,” paglalahad niya.
Hinihikayat ni Iza ang iba pang mga kasamahan sa show business na makipag-ugnayan tungkol sa usapin.
Para sa aktres ay malaki ang maitutulong nito para sa lahat ng artista, prodyuser at mga manggagawa sa likod ng kamera. “Hinihikayat ko ang mga kasama ko ritong aktor na to be really interested and really be a part of this dialogue between producers and everybody. We deserve the best practice. We are for better practices in our industry. Kapag wala talagang tatangkilik ng pelikulang Pilipino, mawawalan tayo ng trabaho,” pagtatapos ng aktres. — Reports from JCC)
- Latest