Pinalayas pala sa Sorsogon nung Linggo ng gabi ang bandang Kamikazee.
As of presstime, inaalam pa namin kung ano ang ginawa ng bandang ito sa naturang probinsya na nagdiriwang ngayon ng kanilang Kasanggayahan Festival.
Sunud-sunod ang mga event nila para sa naturang pagdiriwang. Pero ang grand opening ng Kasanggayahan Festival ay sa October 8 na kung saan magpi-perform doon si Vice Ganda at iba pa.
Nung Linggo, October 1 ay nakatakdang mag-perform ang bandang Kamikazee, Imago at I Belong To The Zoo sa may Casiguran, Sorsogon.
Nakita sa mga ipinost nila sa Facebook na punung-puno ang venue, pero umakyat sa entablado si Governor Boboy Hamor na humingi ng paumanhin na hindi na makapag-perform ang bandang Kamikazee.
Pinaalis na raw nila ito. Hindi na pinatuloy sa kanilang hotel sa Recidencia Del Hamor sa Casiguran, Sorsogon at ipinahatid na raw sila sa airport. Doon na raw sila mag-umaga sa airport.
Hindi niya sinabi kung ano ang eksaktong ginawa ng naturang banda, pero sinabi niyang binastos daw sila nito.
Bahagi ng kanyang talumpati sa mga Sorsoganon na dumagsa roon sa concert; “Sana na naintindihan n’yo. Hindi ko gusto to. Kaso sinabi ko nga, may attitude. Hindi na yan makakabalik sa Sorsogon, maniwala kayo sa akin.
“Inuulit ko, hindi tayo puwedeng bastusin ang mga taga-Sorsogon. Pinipilit ko na itaas ang dignidad ng bawat Sorsoganon, pero huwag ganun. Huwag ganun na tayo’y bastusin”
Kaagad namang sumasagot ang audience ng okay at nakiisa sila sa desisyon ng Sorsogon Governor.
Wala pa kaming nakuhang pahayag mula sa management ng Kamikazee.
Nagtanung-tanong pa kami sa ilang mga kaibigan sa Sorsogon kung anong pambabastos ang diumano’y ginawa ng naturang banda.
Pelikula ni Alden at Julia,inaabangan kung matatapatan ang kita ni Kathryn
Kinongratuleyt si Kathryn Bernardo at iba pang nasa cast ng pelikulang A Very Good Girl sa ABS-CBN Ball nung nakaraang Sabado.
Ang sabi nila, nadagdagan pa raw ito ng sinehan. Mula sa 250 cinemas, naging 270 na, at umabot na raw ng 40M.
Kung tutuusin, ito ang pinakamababang pelikula ni Kathryn, pero pinakamalakas na ito sa mga local film na ipinalabas ngayong taon.
Ayon sa aming reliable source, ‘yung hindi padded na box-office returns, naka-7.5M ito sa first day showing, at bumaba ng ilang percent sa pangalawang araw na naka-6M na lamang. Pero nung Biyernes ay tumaas uli sa 8M.
Masaya na sila sa inilabas nilang 40M, pero mababa ito sa totoo lang base sa performance ng Kathryn Bernardo movie sa mga sinehan.
Tuloy medyo natatakot kami para sa pelikulang Five Break-Ups and A Romance nina Alden Richards at Julia Montes.
So far, wala pa talagang masasabing hit na pelikula si Julia at ang kay Alden naman dahil si Kathryn ang ka-partner nito.
Pero maganda ang trailer at magaling naman talagang direktor si Irene Villamor.
Ang sabi ng aming reliable source, ang tantiya raw nila ay baka maka-100 hanggang 120M ang buong run ng A Very Good Girl.
Marami pa silang naka-schedule na international screenings para makabawi sila. Hindi naman daw ito malulugi, pero hindi masasabing kumita ng malaki.