Nakumpirma ng former beauty queen / actress na si Maggie WIlson ang troll farms.
May mga nagkumpirma na raw nito sa kanya.
Kaya wala raw siyang planong tigilan ang mga ito.
Nauna na ngang in-expose ni Maggie na may mga influencer diumano na binayaran ng P8,000 para siraan siya at ang kanyang negosyong furniture.
“I’ve been speaking to several friends from the advertising and media industry in the Philippines.
“I can confirm troll farms do exist. I’ve learned so much about how these “agencies” work, the terms that they use, and what measures or procedures are in place to be able to execute such vile “campaigns.”
“While it can be challenging to find out who the head of the snake is, it is not impossible because @iamtimconnor and I have. These people have made a “good” living by destroying other people’s lives, and they will sell their souls for it.
“Remember, when they get found out, they will often deny ANY involvement, even if the evidence is staring right at you. When these people are exposed, and the trolls get “trolled” (called out) for it, they don’t like it. So what makes you think it’s okay for you to do that to me or anyone else?
“You’re only upset because you got caught red-handed,” ang buong post nito.
Ilang araw ding nag-trending si Maggie dahil nga sa kinasasangkutan niyang kasong adultery na ikinaso sa kanya ng ex-husband na bilyonaryo, Victor Consunji, na may anak na sa kanyang current relationship.
Knowledge channel isinusulong ang pagtitipid ng kuryente
Hatid ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) ang pinakabagong serye na magbubukas kaalaman sa importansya ng enerhiya at kung paano ang tamang pagtitipid nito sa Siklo ng Enerhiya, tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo, 3:40 p.m. sa Knowledge Channel.
Iikot ang serye sa adventures ni Ella, isang batang matalino, kung saan tutuklasin niya ang kahalagahan ng enerhiya sa pang-araw-araw na buhay.
Mula sa pakikipagkwentuhan sa mga eksperto at pagharap sa iba’t ibang mga sitwasyon, nabuo ang bawat episode katuwang ang Department of Energy (DOE) para matulungan ang mga manonood na mas maunawaan ang papel ng ahensya sa pamamahagi ng enerhiya at kung paano mapag-iingatan ang paggamit nito.
“Hindi na mawawala sa ating pang-araw-araw ang paggamit ng enerhiya o kuryente, pero sa Pilipinas, marami pa rin ang walang access o may limitasyon dito. Ang “Siklo ng Enerhiya” ay naglalayong ipakita sa mga kabataan, guro, at mga magulang ang tamang paraan sa paggamit nito para hindi nasasayang,” pahayag ni KCFI president at executive director, Rina Lopez.
Samahan si Ella sa pagtuklas sa konsepto ng enerhiya sa Siklo ng Enerhiya na mapapanood sa Knowledge Channel tuwing Grade 8 Science block.