Richard nag-react sa label na local James Bond!

Richard

Last two weeks na lang ang The Iron Heart. Pero hoping pa rin ang kanilang followers na magkakaroon ito ng Season 3.

May chance ba? Tanong namin kay Richard Gutierrez sa ginanap na finale media conference ng programa last Thursday. “Season 3, we’ll see if it’s feasible, but we’ll definitely take a break first, because, as Direk (Lester Pimentel Ong) said, everyone need a break kasi exhausting physically, mentally, we don’t want the show to suffer.”

Dagdag ng bida nito na :  “Ayaw naming hintayin na ‘yung mga audience na tapusin namin ang show. Gusto namin tapusin namin ‘yung show na happy pa ang audience kaya nag-decide kami to end strong.”

Pero pahabol niya “The story of Iron Heart is really designed to last. Marami pang pwedeng puntahan ang story namin, even the characters marami pang pwedeng puntahan, so...,” biting sagot ni Richard.

Movie level ang mga eksena at talagang buwis-buhay ang mga ginagawa nila particular na si Richard.

Kaya naman hindi makapili ang action star kung alin talaga ang pinakamalalang eksena niya. “Hindi po ma-pinpoint ‘yung isa lang parang every lock-in ng taping namin, we do multiple fight scenes. Na parang anything can happen.

“Namo-motor ako dun, may chase, sa jetski, ang daming pwedeng mangyari, ‘yung mga tumatalon-talon sa mga rooftop, the risk is very high, ahh pero because of my experiences and being around the great team, ‘yung safety precaution namin is laging priority.”

Dahil sa matitinding eksena kinukumpara siya ngayon kay James Bond.

“The Iron Heart has its own Filipino identity. Siyempre nakakatuwa nako-compare tayo sa international pero ang objective namin talaga dito is to tell our own story and create a different flavor of action for Filipinos all over the world, to show we can be proud of. Na kaya rin ng Pinoy gumawa ng ganitong klase. We were pressed for time. Ang daming challenges but yet binigay namin ‘yung best namin.”

Anong lesson ng Iron Heart?

“To always choose the good and the right path. And ‘yun nga kahit na nga laging natatalo minsan ang mabuti, dapat piliin mo pa ring maging mabuti.”

At nakita niya na talagang kayang lumaban ng mga Pinoy globally dahil sa kanilang papatapos na series kaya kung may gagawin man ulit siya, isang programa na ipagmamalaki nila “A show that we can be proud of, na kaya rin palang gumawa ng Pinoy ng ganitong klaseng palabas and to be honest we’re press of time, maraming challenge pero binigay namin ang best namin. And kung bibigyan pa kami ng enough time we can really compete globally.”

May pelikulang gustong gawin si Richard ngayong mapapahinga siya sa teleserye.

Nangwasak ng viewership ang The Iron Heart at umabot 451,538 peak concurrent viewers.

Show comments