Kathryn, naka-P10 milyon

Kathryn Bernardo

Bongga na rin, kung totoong naka-P10 million ang pelikulang A Very Good Girl starring Kathryn Bernardo, last Wednesday, opening day sa mga sinehan. Not bad na rin kung tutuusin.

Semplang sa takilya ang mga pinalalabas na pelikula sa totoo lang pagkatapos ng pandemic. Kaya malaking bagay na naka-P10 million itong A Very Good Girl.

Ang comment lang ng mga nakapanood, bagay rin daw kay Lorna Tolentino ang character na ginampanan ni Dolly de Leon.

Show comments