MANILA, Philippines — Naka-oxygen at nanghihingi raw ng tulong ngayon ang controversial former broadcaster na si Jay Sonza.
Lumapit nga diumano ito sa Department Social Welfare and Development (DSWD) para humingi ng tulong dahil may pneumonia ito sa kasalukuyan at may saklay pa raw ‘pag naglalakad.
Pero sa Davao del Sur.
“Confined at Viacrucis Medical Hospital, Bansalan, Davao del Sur due to Pneumonia for 6 days now. Mukhang kailangan ko na tulong ng mga kaibigan. Kinakapos na ako para sa gamot na binibili sa labas. Walang government hospital dito sa probinsiya namin.
“Kailangan na saklolo ngayon. Paki relay na lang sa mga gustong makaalalay. Thank you po.
“Nakakawalong tangke na ako ng oxygen since september 19,” ang message nito kung saan nakalagay pa ang kanyang account number.
Maalalang pansamantalang nakalaya si Mr. Sonza mula sa Quezon City Jail matapos magpiyansa ng P300,000 para sa patung-patong na reklamong kriminal.
Inaresto ito dahil sa diumano’y syndicated estafa and large-scale illegal recruitment ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Nabansagang ‘fake news spreader’ si Mr. Sonza noon at may mga natuwa nang makulong ito.