MTRCB nangakong rerebyuhin ang ‘lubid’ statement ni Joey

Vic Sotto at Joey de Leon

Nangako ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na ire- review nila ang mga reklamo sa programang E.A.T.

“Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T. Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) shall determine if the same are valid and presumably violative of Presidential Decree No. 1986 and/or its Implementing Rules and Regulations,” ayon sa natanggap kong statement mula sa pinamumunuang ahensiya ni Chair Lala Sotto.

Marami ngang nag-react sa Gimme 5 segment ng E.A.T. last Saturday sa tanong tungkol sa limang bagay na isinasabit sa leeg.

Hindi nasagot ng contestant, isa lang nabanggit nito sa loob ng 45 se­conds.  At biglang nabanggit ni Joey de Leon ang  “Lubid, lubid nakakalimutan n’yo.”

Mabilis nga itong naikonek sa naging desisyon ng MTRCB  na 12-day suspension sa kalaban ng E.A.T., It’s Showtime, dahil sa mga reklamo sa programa particular na sa pagdila nina Vice Ganda at partner nitong si Ion Perez sa isang cake sa portion ng Isip Bata.

Show comments