Vice, namalengke ng luxury car

Ion at Vice
STAR/ File

Pang-urot sa bashers...

Animo’y nang-uurot naman si Vice sa kanyang vlog dahil sa “pamamalengke” ng bagong sasakyan sa Pampanga matapos nga raw mabangga ang kanyang sasakyan.

BMW ang bago niyang kotse “Mamalengke tayo ng sasakyan bilang nabangga tayo. Dahil it will take time bago magawa ‘yung sasakyan ko, mga ilang months, kailangan natin ng panibagong service,” aniya.

Almost P9 million ang halaga ng nasabing kotse – dark grey BMW 735 I-pure Excellence.

At buy agad niya ito dahil sa mga feature na super high tech na talaga, ultimate luxury nga naman. “Diyos ko, ilang taon na naman tayong magho-hostess para makabawi dito!”

Maaalalang nakasama siya sa banggaan sa isang U-turn kamakailan.

Pero bukod aniya sa magastos, malala ang trauma nung nabangga ka sa loob ng kotse.

Though ang isang malinaw, the more na bina-bash ang komedyante ayan siya at nakakabili ng mga luxury car.

Ang mga basher kaya?

Show comments