Piolo host ng EDDYS, nag-renew sa Beautederm
Wow, may solo concert na rin si Piolo Pascual.
Yes, from capturing hearts through the silver screen, audiences will swoon yet again over his charming performance live on stage.
Piolo is set to star in a one-night concert at the Newport Performing Arts Theater na gaganapin sa Oct. 20, 8 p.m.
Mula sa pagbibida sa hit blockbusters and primetime TV shows to his foray into music, hindi na mabilang ang mga achievement ni Papa P.
At kasama rito ang kanyang pagiging certified platinum recording star kung saan pinasikat ni Piolo ang awiting Paano Ba ang Magmahal from the movie The Breakup Playlist, One More Chance, Kailangan Kita, and Timeless.
Kaya get ready to fall head over heels for Papa P.
Samantala, katatapos lang ding mag-renew ng kontrata si Papa P sa sikat na beauty and wellness brand Beautéderm. Nagkita nga ang Kapamilya actor at ang CEO at President ng kumpanya na si Rhea Anicoche-Tan kamakailan para sa contract signing at endorsement shoot.
At pinakilig nito si Ms. Rhea nang sabihing “Happy 20th!” Sinundan naman ito ng Instagram post ni Ms. Rhea na mayroong caption na “Happy 20th! Char! Practice lang! Proud to call you my baby.”
Itinuturing na isa sa leading male endorsers ng Pilipinas, proud na proud si Piolo na maging isang Beautéderm baby. Ineendorso ni Pascual ang oral care products ng Beautéderm — Être Clair Refreshing Mouth Spray, Être Clair Mouth Wash, Koreisu Whitening Toothpaste, at Koreisu Family Toothpaste.
“What I love about Piolo is he’s very committed as an endorser. He posts, promotes, and uses the products —and he does it sincerely. When we opened our largest Beautéderm store at the Clark Cityfront Mall in Angeles City, Piolo went there to support. Grabe ang effort niya. Mahal na mahal ng Beautéderm family si Piolo,” pahayag ng batang CEO.
Anyway, sigurado namang mas lalong magniningning ang Gabi ng Parangal ng The EDDYS ngayong 2023 dahil si Papa P rin ang magsisilbing host sa ikaanim na edisyon ng The EDDYS ng Society of the Philippine Entertainment Editors (SPEEd).
Hindi ito ang unang pagkakataon na magiging bahagi ng The EDDYS si Piolo dahil noong 2019, ang Kapamilya actor-TV host ang tumanggap ng Rising Producer Circle Award para sa Spring Films.
Ngayong taon, kabilang rin siya sa mga gagawaran ng Isah V. Red Award kasama si Coco Martin bilang pagkilala sa walang sawa nilang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan.
Bukod dito, walong haligi ng entertainment industry ang bibigyan ng espesyal na pagkilala ng SPEEd para sa EDDYS Icons para sa hindi matatawarang kontribusyon nila sa industriya ng pelikulang Filipino.
Ang mga EDDYS Icon honorees ngayong taon ay sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion, Niño Muhlach, Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez at Nova Villa.
Igagawad naman sa 6th The EDDYS ang Joe Quirino Award sa veteran entertainment columnist, dating TV host at content creator na rin ngayon na si Aster Amoyo.
Ang beteranong manunulat naman at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award.
Magaganap ang 6th Entertainment Editors’ Choice sa Oktubre 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.
- Latest