Nagbigay ng young vibe sa TVJ...Atasha Muhlach, regular na sa E.A.T.

Atasha Muhlach

Ang saya, regular member na ng Dabarkads si Atasha Muhlach.

Ito pala ‘yung sinasabi ni Atasha na gagawin niya na dapat abangan.

Refreshing ang beauty ni Atasha, sakto sa E.A.T.

Saka ang ganda ng speaking voice niya, English at Tagalog. Ang galing pa niyang sumayaw at kumanta.

Kasama siya nina Aga at Charlene Muhlach sa tatlong gabing wake ng namayapang manager ni Aga na si Tita Ethel Ramos.

At nakakabilib ang PR niya, ma-chika.

“Sobrang masaya po ako to be here sa E.A.T. kasama ng legit Dabarkads!” umpisa ni Atasha matapos siyang magpasalamat nang tawagin nina Tito, Vic and Joey pagkatapos ng kanyang dance performance.

Parang ‘di pa nga makapaniwala si Vic na andun si Atasha in the flesh.

“Maraming salamat po sa warm welcome and I’m really excited to be part of such a beautiful and kind-hearted family,” dagdag ng kakambal ni Andres Muhlach.

Nagtapos with honors si Atasha sa Nottingham Trent University sa London.

Ang dami naman agad nag-congratulate kay Atasha kahapon sa kanyang Instagram account.

Good luck, Atasha.

May mga nagsasabing si Atasha ang magiging pangtapat ng E.A.T. kay Cassy Legaspi sa Eat Bulaga.

Pero iba naman actually, lalo na at baptism of fire pa lang ito ni Atasha.

Show comments