Pinasok na rin pala ni Ashley Sandrine Yap, daughter ng aktor na si Richard Yap, ang showbiz.
Nagkaroon pala ng biggest contract signing event ang Kapuso Network na Signed for Stardom.
Isa siya sa social media influencers na pumirma ng kontrata bilang parte na ng Sparkle GMA Artist Center.
Inamin niyang nakaramdam siya ng nerbiyos nang i-welcome siya ng network.
Handa raw siyang gawin ang kahit anong role at sabik na siyang i-challenge ang sarili kaya naman nagpasalamat siya na parte na siya ng Sparkle Family ngayon.
Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga magulang niya na suportado raw siya sa pagpasok niya sa show business.
Makikita sa mga IG story ang pagiging stage father ni Richard.
Lutang ang pagiging proud parent nito sa mga litrato habang kinukuhanan niya ng video at picture ang anak.
Noon pa pala interesado si Ashley sa showbiz pero sinabihan siya ng daddy niya na aktor na tapusin niya muna ang pag-aaral saka nito ituloy ang pagpasok sa showbiz.
Lutang ang ganda ni Ashley kaya naman inaabangan na rin siguro ng fans kung magkakaroon sila ng project na magkasama ng daddy niya. Bongga.