Sanay na si Erwan Heussaff na mas kilala siyang mister ni Anne Curtis. At tanggap na niya ‘yun.
Kaya naman nagulat ang Filipino-French content creator nang may magpa-picture sa kanya at binanggit ang kanyang pangalan
“In most provinces, I go by Asawa Ni Anne.
“Check out the first episode of Forager on FEATR.
“P. S Most people don’t know my name, so I was pleasantly suprised that someone here did,” aniya sa Instagram post niya kahapon kung saan nga andun ang pruweba na tinawag siya sa kanyang pangalan pero sa dulo ay may dialogue pa ring ‘Yan pala asawa ni Anne.’
Nag-comment si Anne at inulit ang sinabi nang isang nagpa-picture. “Ay siya pala Asawa ni Anne Curtis. Balik ka na showtime Kasi”
Napuri naman si Erwan sa nasabing post dahil panay pa ang pasasalamat niya sa mga nagpa-picture kahit panay ang dialogue na ‘asawa ni Anne’ sa isang palengke sa Baler, Quezon.