Winasak ng Marites ang dating maayos na relasyon ng magkapatid.
Yup, ayon sa source, sabi-sabi lang ang pinag-umpisahan ng samaan ng loob ng magkapatid.
May narinig lang daw ang ate na may sinabi ang younger sister niya at nang i-confront ang sister, itinanggi nito na may ganun siyang sinabi.
Hanggang nakarating daw ito kanilang mga magulang.
Pero feeling daw ng ate mas favor ang kanilang mga magulang sa kanyang mas batang kapatid.
At doon na raw nagsimula ang lahat.
Umaasa ang mga taong nasa paligid nila na maayos din ang lahat.
Pero ang bottomline, ang lakas din ng epekto ng mga Marites.
Eric Quizon, mga anak ang turing sa StarKada
May sariling talent arm na rin ang Net25, ang Star Center Artist Management na naglunsad ng 31 promising talents sa isang all-out grand launch sa EVM Convention Center ng Quezon City last week.
Ipinakilala sila bilang StarKada, na maingat na napili mula sa mahigit 400 mga auditionees at sumailalim sa mahigpit na mga workshop at mga pagsasanay sa ilalim ng supervision ni Direk Eric Quizon.
Ang award-winning actor-director nga ang head ng Star Center na para sa kanya ay sarili niyang mga anak ang mga member ng StarKada at gagawin nila ang lahat para magkaroon ng chance sa entertainment industry.
“This show is a testament to their hard work, dedication, and the belief that anyone can achieve their dreams with the right training and support,” aniya sa media launching ng StarKada.
Sa nasabing press launching ay nagpakita kasi ng kakayanan sa singing, dancing, acting and hosting ang mga bagong artista. “What you just witnessed was not just a culminating show; it’s a celebration of their journey. What’s more exciting was that their family and friends were able to witness the celebration.”
May ilan na raw silang mga naka-line up na project sa mga ito pero ayaw munang i-reveal ni Direk Eric.
Hindi rin daw exclusive sa Net25 ang mga StarKada.
Pwede sila sa ibang network. Sila lang ang magha-handle sa mga ito.
Nagpahayag naman ng enthusiasm si Net25 President Caesar Vallejos sa kanilang homegrown talents.
Pero ang isang talagang malaki ang potential ay si Shira Tweg.
Mula sa pagiging isa sa lead stars ng advocacy film na Sugat sa Dugo ng Dragon Management nina Bambbi Fuentes at Tine Areola ng Bait Lehem, gumanap siya bilang batang Sharon Cuneta sa MMFF entry na Kahit Maputi na ang Buhok Ko, ang filmbio ng batikang composer na si Rey Valera, kabilang agad sa gagawin niya ang pagganap bilang batang Nora Aunor sa sequel ng Pinoy classic film na Himala kung saan makakasama naman niya sina Ate Guy mismo at Venice International filmfest Volpi Cup best actor John Arcilla.
Bukod kay Shira, kabilang din sa StarKada sina Aaron Gonzalez, Arwen Cruz, Bo Bautista, Celyn David, Crissie Mathay, Dana Davids, David Racelis, Drei Arias, Gera Suarez, Gia Gonzales, Jam Aquino, Jannah Madrid, John Heindrick, Juan Atienza, Kanishia Santos, Migs Pura, Marco Ramos, Mischka Mathay, Miyuki de Leon, Nate Reyes, Nicky Albert, Ornella Brianna, Patrick Roxas, Rachel Gabreza, Shanicka Arganda, Sofi Fermazi, Tim Figueroa, Via Lorica, Victoria Wood, Yvan Castro and Zach Francisco.
Aljon Mendoza ipapakita ang paulit-ulit na pagbaha sa kanyang bayan
Isasama sa pamamangka ng dating Pinoy Big Brother housemate at Teen Clash star na si Aljon Mendoza si Bernadette Sembrano sa paligid ng Macabebe na bahain dahil sa mga bagyo, sa Tao Po ngayong Linggo (Setyembre 24).
Malalaman ni Bernadette ang tungkol sa paulit-ulit na pagbaha na naging permanenteng hadlang na para sa mga residente ng San Francisco, Macabebe, dahilan upang hindi na matirahan mga tahanan at mawala ang kanilang mga kabuhayan.
Sa pamamagitan ng YouTube documentary ni Aljon, na umani ng mga papuri mula sa netizens, binigyan niya ng kamalayan ang mga manonood tungkol sa isyung ito.
Samantala, itatampok ni ABS-CBN Reporter Bianca Dava ang isang bulag na student athlete, na patuloy na lumalaban sa buhay at sa larangan ng sports. Naging bahagi si Andrea Estrella ng National Adaptive Course Racing team at nag-uwi ng ginto noong Setyembre 17 nang lumaban siya sa World Obstacle Course Racing sa Belgium.
Ibabahagi rin ni Kabayan Noli de Castro ang kuwento ni Leah Borbon, na dating takot sa mga aso, ngunit isang araw ay iniligtas ang isang tuta mula sa pagkakatay, na naging sanhi upang mapagmahal na sa mga aso. Sa kasalukuyan, mayroon na siyang 251 aso sa kanyang pangangalaga.
Sa totoo lang, interesting ang mga topic na napapanood sa Tao Po.