Shayne, nagbago na!

MANILA, Philippines — Sa Linggo ang simula ng 2nd anniversary celebration ng Regal Studio Presents na napapanood tuwing Linggo ng hapon sa GMA 7.
Nabuo ang programang ito nung pandemic at naging successful kaya’t nagpapasalamat si Roselle Monteverde ng Regal sa magandang relasyon nila sa GMA 7 na ni-represent ni Mr. Joey Abacan.
Ang maganda pa rito, nabigyan ng chance ang Sparkle talents na maipakita ang kanilang galing sa pag-arte at naging maganda naman ang ratings ng halos lahat na episodes kaya nga umabot na ito ng dalawang taon.
Sa darating na Linggo, Sept. 24, sina Royce Cabrera at Lianne Valentin ang bida sa episode na pinamagatang I Love You Bien.
Marami pa ang kasunod na magagandang episodes, at ang iba naman ay iti-tape sa susunod na buwan.
Ang isa sa nakatakdang mag-tape ay ang episode na pinamagatang Mother Mother Where Are You?
Tampok dito ang StarStruck winner na si Shayne Sava kasama si Dustin Yu.
Natuwa ako kay Shayne nang sandali kong nakatsikahan sa nakaraang mediacon ng Regal Studio Presents dahil ang laki na ng ipinagbago niya, pagkatapos niyang manalo sa StarStruck nung 2019.
Ang laki raw ng pasasalamat niya sa GMA 7 at sa StarStruck na talagang nabago ang kanilang buhay.
Patuloy raw ang pagtulong niya sa kanyang pamilya kagaya ng pagpapaaral sa kanyang mga kapatid.
Kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, gusto raw sana niyang makapagtapos ng kursong Psychiatry o ‘di kaya Journalism o may kinalaman sa Broadcasting.
Pelikula ni Vice, inalipusta!
Bago umalis nung nakaraang linggo si Atty. Ferdie Topacio patungong Europe, nagpatawag ito ng lunch sa ilang miyembro ng movie press para ibalitang pormal nang ilulunsad ang kanyang film production na Borracho Film Productions, Inc.
Nakadalawang pelikula sila nung nakaraang taon, at meron dapat silang sisimulan, itong Spring in Prague na pagbibidahan nina Paolo Gumabao at ng Czech actress na si Sara Sandeva. Pero nagkaproblema sila sa working visa ng isang Russian actress na kasama dapat sa pelikula kaya na-hold sila.
Pero marami pang plano si Atty. Topacio sa susunod na taon. “May expansion plans na kami, pero six months ang gestation period. So, under this plan, there is an infusion of new funds whereby, Borracho Films will be buying its own equipments para hindi na mag-rent. By February or March ay malu-launch na. We also plan on making our own soundstage sa Cavite.
“Now, what we also need to do is cultivate our own stable of talents. Pero hindi ganun kalaki. Bago pa lang po kami. Maliit lang po ang production namin, pero we try as much as possible to make quality movies.
Ang plano is to make 20 movies at least a year, pagka na-launch na.
“These are movies meant primarily for international distribution. So, to be candid, sabi ng mga backer namin, hindi naman kailangang sikat dito sa Pilipinas ang stars mo, kasi hindi naman sila kilala ‘pag nasa abroad. So, what we need are talents na maganda, magandang umarte, at magandang production,” saad ni Atty. Topacio.
Pero may matinding pahayag si Atty. Topacio na ang dating sa karamihan ay ginamit lang nito si Vice Ganda para mapag-usapan na naman.”Dominated kasi ang local industry ng foreign films. Number one, ‘yun ang problema.
“Number two, ‘yung mga movies na walang katuturan katulad ng mga movies ni Vice Ganda, ‘yun ‘yung namamayagpag e.”
Nag-react ang ilang miyembro ng entertainment press sa pahayag ni Atty. Topacio.
Entertaining naman daw ang mga pelikula ni Vice Ganda. Pero pinanindigan niyang wala naman itong maitutulong sa local movie industry. “To be candid, ano ba ‘yung natutulong ng movies na ‘yun sa pagtaas ng antas ng Pilipino? Wala naman e.
“You cannot stick to entertain. Dapat... papano tayo makakapantay sa ibang countries like Korea kung puro ganun ‘yung mga movies natin? Low-budget na slapstick na wala namang redeeming social value. Napasaya ka sandali, pero where does that put the Filipino movie industry ha?”
Ang sabi ng iba, gusto na naman mag-ingay ni Atty. Topacio kaya inalipusta ang mga pelikula ni Vice Ganda.
Kaya tingnan na lang natin ang mga susunod na proyektong gagawin ng Borracho.
- Latest