Ogie naging emotero,laging tinutulugan si Regine!

Regine Velasquez at Ogie Alcasid

Ang saya pa rin ng sex life ng mag-asawang Ogie Alcasid and Regine Velasquez.

Game ngang sinagot ni Ogie kung gaano sila kadalas nagmi-make love ng kanyang misis.

At sabi raw ng Pastor nila ito.

“Alam mo ang sabi sa amin ng pastor namin, eto totoo ‘to ha? Sa mag-asawa, kailangan, at least, 4 times a week,” rebelasyon ni Ogie sa isang interview last week with selected entertainment press.

Pero mahirap naman aniyang tuparin ‘yun. “Pero I guess, ine-emphasize lang siguro ng pastor namin na kailangan siya (sex), sa mag-asawa,” sabi ng singer / composer / host na ang pino-promote actually ay ang one-night jam session dubbed Ogieoke The Concert at the Newport Performing Arts Theater (NPAT) on Sept. 29, 8 p.m., with special guests: the star of Ang Huling El Bimbo The Musical Gian Magdangal and world-class soprano Lara Maigue.

Pero dahil nga siguro sa pagod nilang mag-asawa lalo na nga at may It’s Showtime siya daily, ayon kay Ogie, alas-9:00 p.m. pa lang ay tulog na siya kaya naman early riser siya.

Na kabaliktaran ni Regine. Late na raw itong natutulog kaya hindi naman talaga nangyayari ang 4x na sked.

At aminado rin si OA na hindi naman talaga perfect ang pagsasama nila ni Asia’s Songbird.

Pero lagi nilang inaayos kung nagkakaroon man sila ng argumento or pag-aaway.

Sobra raw ang pagka-in love nila sa isa’t isa. “We can’t get enough of each other. Kaya when I hear stories about couples breaking up, I get sad,” pag-amin pa ni Ogie.

At ang madalas nilang pagtawa ang pakiramdam niya ay rason kaya naman nagagawa nilang maging matibay ang pagsasama.

Tanggap niya na kung meron man silang mangilan-ngilang pagtatalo dahil bahagi na raw ito at maging ang tampuhan sa mag-asawa.

“I think those things are important, too, situations that you can just laugh at after. We’re old and we have nothing to prove.”

Pero ang isang napansin niya ay ang dali niyang umiyak lately.  “I cry so easily. There was one contestant (sa Tawag ng Tanghalan) who dedicated a song to her father.

“I got so emotional because I remembered my late father. And then, there was this discussion with Vice Ganda about fighting for love despite past heartbreaks,” pag-amin pa niya.

Pakiramdam niya ay senyales ito ng pagdagdag ng edad dahil kahit daw sa Korean dramas ay umiiyak siya.

At any rate, sing along to the best of Ogie Alcasid’s hits in the Ogieoke The Concert at the Newport Performing Arts Theater. Tickets are now available at all TicketWorld and SM Tickets outlets: P7,800 (PLATINUM), P6,500 (SVIP), P5,500 (VIP), P4,000 (GOLD), P2,500 (SILVER), and P1,000 (BRONZE).

Show comments