Ipinagdiriwang ni Jamie Rivera ang kanyang ika-tatlumpu’t limang anibersaryo sa music industry ngayong taon. Malaki ang pasasalamat ng tinaguriang Inspirational Diva sa lahat ng patuloy na tumatangkilik sa kanyang talento. “Nagpapasalamat ako dahil the Lord sent me the right people in my 35 years. ‘Yung manager ko na nag-alaga sa akin, ‘yung mga kaibigan ko na tumulong sa akin, ‘yung mga recording company na sumuporta sa career ko, mga naniniwala sa akin. So maraming salamat Lord because you sent me the right people in those 35 years,” pahayag ni Jamie sa Magandang Buhay.
Matatandaang naging miyembro ang singer noong dekada ‘80s ng Metropolitan Theater Chorus. Naisipan umanong sumali ni Jamie sa isang singing contest noon upang makilala bilang isang solo performer. “Nagpapasalamat ako sa Metropolitan Theater dahil na-enhance ‘yung boses ko, doon ko narinig na, ‘Ay! May boses pala ako.’ I joined the Musicmate Girls, contest ‘yon. Kukuha sila ng five winners, singing and personality contest. Tapos nanalo naman ako, na-discover ako ng Network Entertainment with Tito Fritz Infante. From there I moved to Tita Dulce Lucban, mommy ni Pops (Fernandez) sa DSL. From DSL pinakilala na nila ako sa Octo Arts, sina Tita Aster Amoyo, inalagaan ako. Doon na nag-start career ko,” kwento ng singer.
Maraming napasikat na love songs noon si Jamie katulad ng Hey It’s Me at I’ve Fallen For You. Naging bahagi rin ang singer ng Miss Saigon musical bago pa tuluyang nakilala bilang Inspirational Diva dahil sa napakaraming inspirational songs na kanyang nai-record. “No’ng bata ka gusto mo love songs. So ang inspiration mo doon ay ‘yung sweetheart mo that time. Tapos as you go along nag-Miss Saigon ako. Siyempre gusto kong isulat naman ay ‘yung mga Broadway songs. After that, when I went back, nag-asawa ako of course ang inspiration ko na siyempre ang asawa ko at anak ko na. Later on naging inspirational singer ako. So it’s about God. So marami akong naging inspiration sa development ng career ko,” pagdedetalye ng Inspirational Diva.
Gina, may sariling style sa pagbabalita
Kabilang si Gina Alajar sa pelikulang Karnabal na pagbibidahan ni Edgar Allan Guzman. Tungkol ang istorya ng naturang proyekto sa isang lalaking magbabalak tumalon mula sa isang malaking billboard sa EDSA. Si Adolf Alix, Jr. ang direktor ng bagong pelikula. Ayon kay Gina ay dire-diretso raw na kukunan ni direk Adolf ang highlight ng Karnabal. “It’s really challenging pero ‘pag nagawa nang tama, ‘pag nagawa ng maganda, if we’re successful in doing this, wow. This would be really challenging for EA and I’m just so glad na merong kabataan na merong gano’ng foresight, na merong gustong gawin na kakaiba,” pagbabahagi ni Gina.
Gagampanan ng beteranang aktres ang karakter ng isang news reporter. Para kay Gina ay kailangan niyang gumawa ng sariling istilo pagdating sa pagbabalita. “Hindi ko naman gusto maging caricature na kapag nakita nila ako, masasabi nila, ‘Ay! Sino ‘yan? Si ano ‘yung ginagaya niya! Ay! Si Gano’n!’ I don’t want it to be that way naman. Kasi ako naman ‘yung aarte. I just want it to be my original interpretation. Sabi ko nga, ‘Mame-memorize ko ba ang dialogue, tapos may timing pa?’ kasi mahirap pa eh, kung sa akin magkamali, naku! Uulitin lahat from the top dahil sa pagkakamali ko, nakakahiya ‘yon. So I think it’s preparation of mind, body and soul. Kailangan we’re prepared mentally, physically and emotionally. Imagine we’ll be under the sun for the whole time. Walang pwedeng magpayong, walang pwedeng sumilong. We’re just going to wait for our turn, for our cue. So we need to prepare for that,” paglalahad ng aktres. — Reports from JCC