Sharon, ‘di pa kuntento sa kapayatan!
Pumayat pala si Sharon Cuneta dahil sa stress.
Kapansin-pansin ang laki ng bawas sa kanyang timbang kaya nilinaw niya na hindi niya sinadya ang pagpapapayat para sa concert nila ni Gabby Concepcion at nagkataon lang daw na namayat siya bago ang reunion concert nila.
“Alam ng lahat ng mga kasama ko sa set, sa mga kasama ko sa araw-araw, ‘yung mga pamilya ko. ‘Yung pagkain nila ‘yung kakainin ko, pero naggaganyan ‘yung heart ko na… Parang gusto ko pang kumain, pero ayaw na ng isip ko at puso ko ang kumain kasi may nagba-bother sa akin, na nahu-hurt ako.”
Hindi raw talaga siya nagdiyeta at wala nang sinabing dahilan tungkol sa stress na pinagdaanan.
Sinusubukan niya na lang daw na ma-maintain ang timbang pero hindi pa raw siya kuntento sa kanyang timbang at goal niya na sana maibalik ang dating timbang noong ginagawa pa niya ang Maging Sino Ka Man.
“I still have some weight to go. I wanna go back to my figure in Maging Sino Ka Man, that’s a few more pounds. But I’ve lost more than a hundred over seven years,” sabi ng megastar.
‘So thankful’
Nagmi-melt ang heart ko ‘pag pinadadalhan ako ng anything ng friends na alam ko na mahal ako sincerely.
‘Yung maisip nina Rhea Tan ng Beautederm at Atty. Dimple at Papa Caesar Vallejos ng Net25 na magpadala ng foods at fruits to make me eat talagang na-appreciate ko. Kaso nga alam mo na naisip ka nila at gusto nilang lumigaya ka.
Talagang nakakagaan ng feeling dahil talagang sa layo ng bahay ko na madalas ‘pag sinasabi ko ang address talagang nakikita ko na parang napapa-yuck ang kausap ko sabay sabi ng ang layo pala. Kaya doble apreciation ko ‘pag may nagdadala ng anuman sa bahay ko. ‘Yung effort at tiyaga malaking bagay iyon.
At ‘kaloka ha, sa layo ng bahay ko, mainit pa rin ang mga cooked food na padala ni Rhea Tan ng Beautederm. Bongga.
Talagang so grateful, so thankful. Maraming salamat from the bottom of my heart. Hindi ko makakalimutan ang kabaitan n’yo. Promise.
- Latest