Paolo, 20 lbs ang ipinayat!

Three days straight na kinunan ang fight scenes ni Paolo Contis sa pelikula nila ni John Arcilla na Fuschia Libre ng Mavx Productions.
Nitong weekend lang kinunan at sobrang nahirapan daw nang husto ang Kapuso actor/TV host.
“Ang hihiraaap!” text ni Paolo sa amin.
“Super sakit ng katawan ko, hanggang ngayon,” text niya uli sa amin kahapon.
Isang mixed martial arts fighter ang role ni Paolo na bading sa pelikulang ito.
Sumasali siya sa mga competition, at kinunan ang fight scenes niya nang dire-diretso.
Mga totoong wrestler ang kaeksena niya sa naturang pelikula.
Ang trainer daw niyang si Erwin Tagle ang nagku-choreograph ng mga fight scene nila at mga protege nito ang kasali sa mga eksena na kasama niya sa fight scenes.
Si RC delos Reyes ang director ng pelikula, pero tumutulong nga raw si Erwin Tagle sa mga eksena nila sa ring.
Matindi ang paghahanda rito ng Kapuso actor kaya nagpapayat daw siya nang husto.
Naka-20 pounds din daw ang na-lose niya, kaya ang payat niya bago sumabak sa fight scenes na ginawa niya.
Natapos na rin ang pelikulang A Journey nila nina Patrick Garcia at Kaye Abad, pero hindi pa raw nila alam kung isa-submit ba nila ito sa Metro Manila Film Festival.
Hanggang Sept. 29 ang deadline ng submission ng entries na marami na kaming naririnig na mga pelikulang magbakasaling makapasok sa apat na pelikulang mapipili.
Glaiza at Pokwang nag-iingat sa MTRCB
Sobrang natuwa si Glaiza de Castro sa Eat Bulaga na ang buong akala raw niya ay guest co-host lang siya. Pero hanggang ngayon ay tuluy-tuloy pa rin siya, na hindi lang daw niya masabi kung regular na ba siya sa naturang noontime show.
“Thankful ako kasi akala ko mga isa, dalawang araw, tapos tinatawagan na ako sa mga susunod na linggo, tapos biglang may kasunod ulit. Naging part na ako ng EB Happy Cup, naging EB Happy,” pakli ni Glaiza sa nakaraang story conference ng pelikulang Slay.
Hindi na iniisip ni Glaiza kung may bashing pa ba siyang natatanggap mula sa loyal supporters nina Tito, Vic and Joey.
Sobrang nai-enjoy raw niya ang ginagawa nila araw-araw sa Eat Bulaga.
“So, ang saya kasi sa studio. Kapag nasa live show, iba ‘yung energy. Puwede kang magkamali. Kasi nasanay po ako na may take 2, may take 3.
“Dito sa live show, okay lang na magkamali ka. Okay lang na mag-buckle ka, tapos ang sarap din kasi araw-araw kang tumatawa,” saad ni Glaiza.
“Maaga kang uuwi. May time ka kay lovey dovey,” singit naman ni Pokwang na sinasabi rin niyang nai-enjoy rin niya ang araw-araw na ginagawa niya sa TiktoClock.
Itinanggi naman ni Pokwang sa amin ang akala naming ayaw niyang mag-guest sa Eat Bulaga.
May nagsasabing mas type niya sa It’s Showtime mag-guest.
Sabi ni Pokie, walang problema raw sa kanyang mag-guest sa Eat Bulaga. Hindi lang daw pumuwede sa schedule niya.
“’Yun lang kasi, everytime na nag-i-inquire sila sa akin, may something. May trabaho, ganyan. Siyempre naman iisang network lang. Sino pa ba ang magtutulungan.
“Walang problema naman. Ang problema lang lagi ‘yung schedule,” sabi naman ni Pokwang.
Samantala, maingat sina Glaiza at Pokwang sa isyu ng It’s Showtime na mainit pa ring pinag-uusapan ang 12-suspension na ipinataw ng MTRCB.
Na-experience na raw kasi noon ni Pokwang nung nasa ABS-CBN pa lang siya nang pinatawag daw siya ng MTRCB, dahil sa suot lang daw niya.
“Maingat na ako sa costume na sinusuot ko,” pakli ni Pokwang.
“Dun naman sa mga punchlines, mga jokes, talagang maingat. Mahirap na,” dagdag niyang pahayag.
Sabi naman ni Glaiza, meron daw pala silang pinipirmahang agreement sa Eat Bulaga na maging maingat sa mga sinasabi nila sa live.
- Latest