Hinimok ni Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa na ang “Eddie Garcia” bill, isang panukalang batas na naglalayong protektahan ang mga manggagawa at/o mga independent contractors sa industriya ng pelikula, telebisyon, at radyo.
Mabilis itong nakapasa sa Kongreso.
Pero sa loob pala ng pitong buwan matapos itong ipasa sa Mababang Kapulungan, hindi pa rin ito naipapasa ng Senado.
Ito ay bilang pagkilala sa sikat na aktor na namatay noong Hunyo 2019 dahil sa aksidente habang nagte-taping.
Apat na artista ang nasa Senado ngayon sina Senator Lito Lapid, Senator Robin Padilla, Senator Jinggoy Estrada, at Senator Bong Revilla.