Para sa kanyang undeniable contribution to the industry bilang isa sa mga pinagkakatiwalaang broadcast journalist ng bansa, pinagkalooban si Mike Enriquez ng posthumous award ng Makatao Award for Media Excellence ng People Management Association of the Philippines (PMAP).
Ang nasabing parangal ay personal na tinanggap ang kanyang misis, Mrs. Lizabeth “Baby” Enriquez, kasama sina GMA Network First Vice President for Radio Glenn Allona and Asst. Vice President for GMA Integrated News John Ray Arrabe,sa isang ceremony na ginanap sa GMA Network last September 15.
Pinagkaloob ang award kay Mrs. Enriquez nina 2022 PMAP President and Board of Trustee for Media and Communications member Ellen Fullido; PMAP Communication Specialist and Makatao Awards for Media Excellence Program Lead Martin Alcantara; Training Head Richard Mamuyac, and HR Head Bernadette Tan.
Limang beses na Makatao awardee at Hall of Famer, si Mike ay kinilala ng PMAP para sa kanyang dedikasyon at matibay na pamana sa pagsusulong ng kaalaman ng publiko, gayundin sa kanyang kontribusyon sa pagtataguyod ng sound people management sa pamamagitan ng kanyang mga taon ng paglilingkod bilang broadcaster.
Mike was recognized as Best TV Male Newscaster at the 3rd Makatao Awards in 2013.
Pinagkalooban siya ng back-to-back na Best Radio News Anchor na panalo sa 6th at 7th Makatao Awards noong 2017 at 2018. Pagkatapos ay naiuwi niya ang Best Radio News Program Host award noong ika-8 at 10th Makatao Awards noong 2018 at 2022, ayon sa pagkakabanggit.
Si Mike, na pumanaw noong Agosto 29 sa edad na 71.