^

PSN Showbiz

Marian hindi pa pinapayagang mag-­social media si Zia, baby 3 hold muna!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Marian hindi pa pinapayagang mag-­social media si Zia, baby 3 hold muna!
Zia
STAR/ File

Hindi pa pinapayagan ni Marian Rivera na magkaroon ng social media account ang panganay nila ni Dingdong Dantes na si Zia.

“We will not allow that muna sa ngayon. Sigu­ro kapag nasa tamang edad na siya. May isip na siya ng tama. So siya ang magde-decide kung anong gusto niya. But for now, seven years old pa lang parang huwag na muna natin i-expose sa ganun.”

Kaya may sumundot kung what age si Zia magiging active sa social media?

“Usapan nila ng Daddy niya kapag 15 years old yata siya,” sagot pa ni Marian matapos niyang pangunahan ang Solmux Advance Jam event ng UNILAB na ginanap sa SM North Edsa noong Sabado ng hapon.

May cellphone na siya?

“Well kahit naman bigyan mo ng cellphone hindi din naman gina­gamit so wala. Tsaka nasa school siya simula 7 a.m. to 5 p.m. So pagdating sa bahay pagod na rin oras, tutulog na lang. Ang dami talaga activities nung anak ko so wala na,” paliwanag pa ni Marian  noong Sabado ng hapon pagkatapos ng event na dinagsa ng maraming fans.

Sa ngayon bukod sa pagiging Primetime Queen ng GMA 7, siya na rin ang TikTok Queen matapos humamig ng mahigit 200 million views ang dance video niya na To the Left to the Right...

Last birthday niya, Aug.12, lang si Marian nag-upload ng u­nang dance video pero talagang lumikha ito ng massive impact sa nasabing platform. “Ayoko na sanang sumayaw. Nahihiya na ako. Pero sabi ko, ‘Try natin. To the left, to the right.’ Ayun na.”

Effortless pa ang outfit niya sa nasabing video.

Naka-jagger pants, neck shirt and baseball cap.

Pero talagang lahat ay naseksihan sa kanya.

Aniya, ganun naman daw talaga siya sa totoong buhay.

“Komportable talaga ako sa porma kong ganu’n. Pero bilang artista ka, may mga event ka ina-attendan, kailangan pa rin siguro you maintain the character of being an artist pa rin.

“Basta siguro ang pinaka-key lang talaga e ako ah, as ako na sumasayaw. Ine-enjoy ko lang talaga siya. Enjoy lang ako. Siguro sa mga nakakakilala sa akin alam nila na love ko talaga ang pagsasayaw. Binalik ko lang ulit.”

Gusto niya ngayong maka-collab si Dingdong.

“Sana mapilit ko ‘yung asawa ko sumayaw medyo andun pa siya sa hmm okay okay. Pipilitin ko.”

Anong kondisyon ni Dingdong?

“Wala naman siyang kondisyon, busy lang din talaga. Pero sabi ko sana bigyan mo ako ng time to collab with you. Sabi niya hmm (tumango),” kuwento pa ni Marian.

Saka magaling naman siya sumayaw?

“Oo naman, ‘yun naman talaga ang original dancer. Ako backup lang. Eh kung kilala ninyo ako isusuot ko kung saan ako komportable. Hindi ako ‘yan sa kung ano lang ‘yung uso. Kapag hindi ako komportable kahit uso ‘yan hindi ko isusuot ‘yan. Pero doon ako sa komportable ako na kaya kong dalhin.”

Uumpisahan na rin nila ni Dingdong ang shooting ng MMFF entry nila na Rewind.

Aminado siya na parang hindi na siya sanay humarap sa camera kaya meron daw siyang magiging adjustment.

Pero ang priority niya sa lahat ay pagiging mommy.

Kaya naman consistent siya sa sinasabi na : “Number one, kailangan talaga may time ka para sa sarili mo. Kailangan may me time ka kasi ‘yung me time na ‘yun doon mo mare-realize kung paano mo gagawin at ia-adjust ang mga bagay -bagay.

“Pangalawa, huwag puputulin kahit na may anak kayo huwag ninyo puputulin ang fire ng pagmamahalan ninyo ng asawa ninyo kasi nakakatulong din ‘yan especially si Dong very supportive talaga ‘yan sa akin, sa lahat ng ginagawa ko. So lahat ng action ko nandyan talaga siya, to support me. At malaking factor ‘yun para maging blooming ka. At nandyan ‘yung asawa ko para sabihin na I’m here to support you and you always talaga beautiful as always. Alam mo ‘yun nabo-boost talaga niya ‘yung confident mo for that one. And of course, the kids. Kapag may anak ka talaga iba na ang lahat. So sila lahat ng ‘yan talagang magkaka-combine. And of course, ‘yung faith mo sa Kanya kailangan hindi mawawala talaga,” ang self-care tips niya.

Pero nang tanungin namin kung may plano na bang third baby, “‘Wag muna ngayon. Ang dami ko pang gagawin. May soap ako, may movie ako, may TikTok ako. Sasayaw muna ako at enjoy ko ‘yun,” sabi niya pa.

Samantala, pinangunahan nga ni Marian ang pormal na inilunsad ng mas pinalakas at mas pinabisang gamot laban sa ubong may plema, ang Carbocisteine + Zinc (Solmux Advance) Suspension ng nangungunang pharmaceutical at healthcare company sa bansa, ang Unilab, Inc. (Unilab).

Idinaos ang formal launch sa Solmux Advance Jam event sa SM The Block nitong Sept. 16.

Brand ambassador ng Solmux na si Marian.

Hindi nagkamayaw ang mallgoers sa pagdating ni Marian na nagbigay kasayahan sa audience sa pamamagitan ng kanyang galing sa pagsayaw. Bilang health advocate, nagkuwento ang aktres kung paanong hindi siya nagkokompromiso sa alam niyang dapat, tulad ng pagpili ng gamot sa ubo.

Ayon kay Marian o ‘Yan’ sa kanyang legion of fans, “Ang ubo, parang apoy ‘yan, mabilis lumala. Kapag hindi naagapan baka maging flu, pneumonia o bronchitis. Kaya dapat agapan, dapat advance. Kaya naman, talagang kahit sa pamilya ko ay Solmux Advance ang laging naka-stock sa bahay.”

Bukod sa pagpapakilala sa bagong product line ng Solmux ay nagkaroon din ng singing competition ang nasabing event.

MARIAN

ZIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with