Nung nakaraang buwan nanganak ang StarStruck alumna na si Kris Bernal sa panganay nila ni Perry Choi na si baby Hailee Lucca.
At ipinost nga ang litrato nito ng aktres na may caption na, “Celebrating a month of pure newborn bliss while soaking in every second of it; filling our lives and hearts w/ so much love and purpose!”
Wala raw katumbas ang first weeks nito pagkatapos niyang manganak at hindi raw siya nakakatulog. Pero magkahalong excitement at pagod daw ang nararamdaman niya sa pag-aalaga sa anak at hindi niya ito ipagpapalit sa kahit ano.
“There is nothing like the first weeks at home w/ a newborn. Sleep deprivation is real! It’s the craziest mix of excitement and exhaustion as we get to know each other. It’s quite challeging as me and @haileelucca are both doing things we’ve never done before. Inhaling the happy, exhaling the hard! I wouldn’t change it for the world!”
Isa si baby Hailee sa inaabangan ng fans kung papasukin din nito ang showbiz. Bongga.
Net25, pinagdarasal ang tagumpay
Laging tanong sa akin bakit type na type ko ang Net 25. Kasi nga ang bait ng management nila, lalo na sina Atty. Dimple at Papa Caesar Vallejos.
Talagang masarap silang kausap at lagi silang sweet sa pakikitungo sa lahat.
Kaya naman talagang dasal kong maging successful ang Net 25 sa lahat ng programa nila dahil na nga sa mas maganda at mas marami kang napapanood sa TV lalo ngayon na parang hindi pa rin sanay bumalik sa sinehan ang mga tao.
Maganda naman ang linya ng programa ng Net 25 dahil sa quality control na rin nina Atty. Dimple at Papa Caesar na talagang piling-pili ang mga programa na gusto nilang maging part ng network nila.
Kaya bongga si Pat-P Daza na baby ng Net25 dahil alagang-alaga siya.