^

PSN Showbiz

Sharon pang-3 years ang naipong bag na walang ulitan, inaming walang ipamamanang pera sa mga anak

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sharon pang-3 years ang naipong bag na walang ulitan, inaming walang ipamamanang pera sa mga anak
Sharon Cuneta

Gusto na ring mag-try ni Sharon Cuneta ng online selling ng kanyang mga bag.

Ang estimate niya kasi, good for three years ang bag niya na hindi siya mag-uulit.

Ganun ka-bongga.

Kahit daw mga damit niya, ang dami raw talaga niyang naipon.

Kaya iniisip niyang i-online sell.

Bago pa ang ibang celebrity, si Sharon na ang bag addict.

Kaya nag-compute kami kung ilang bag ‘yun.

Imagine in a year, 365 days x 3.

At isa si Ate Shawie sa may massive collection ng Hermes bag.

Sa Dear Heart concert presscon din nila ni Gabby Concepcion ay nabanggit ni Ate Shawie na wala siyang ipapamanang pera sa mga anak.

Ang bahay na lang daw na ipinagagawa nila ang ipamamana lang niya sa mga ito.

Kaya’t ang payo niya sa mga ito, magtrabahong mabuti.

“Work hard kasi ipapamana namin sa kanila ‘yung bahay na ipinapagawa namin, tapos uubusin ko na lahat ng pera ko. Wala na silang mamanahin sa akin, ibebenta ko lahat, e-enjoy-in ko dahil hindi ko naman madadala sa langit,”  rebelas­yon ni Ate Shawie.

“Kaya ipinapaalam ko sa inyo, kaya ko kayo pinaaral para magtrabaho kayo, okay? Ang inyo na lang, ‘yung bahay na malaki, bahala kayo do’n. Tapos nun, zero,” na may kasamang tawa.

Sinagot din niya sa presscon ang mga basher na nagbibintang na isa siyang balimbing nung mag-guest sa E.A.T. ng Tito, Vic and Joey sa TV5.

Sari-sari ang reaction ng bashers nung mapanood siya sa first episode nito.

At ayaw siyang lubayan. “Nagulat ako dahil mayroong mga comments sa Instagram ko na ‘balimbing’ or ganito or ganyan.

“I explained it so well that ABS-CBN has also respected from the very beginning, and that although I love my Showtime family, my ABS family, of course, tumatanaw ako ng utang na loob.

“So, nagulat ako. Hindi na ba uso ang utang na loob ngayon? Kasi ‘yung ibang comments, parang hindi nila naiintindihan ‘yung concept.

“So, ‘yun ang ‘wag kalilimutan – utang na loob. ‘Wag mong kakalimutan ‘yung mga taong tumulong sa ‘yo na marating ‘yung narating mo,” mahaba pang paliwanag ni Sharon.

Samantala, proud si Ate Shawie sa kanyang pagpaparetoke pero inamin din niyang na-stress siya kaya pumayat pa siya.

“I don’t want to hide it naman. Kasi remember, I had reduction sa breasts ko because it was all skin. So, ‘yung tinanggal, mostly skin. And I don’t want to hide it, there’s no reason to, hindi naman nakakahiya,” sabi pa niya at sabay payo sa mga gustong magparetoke na walang masama kung gusto nilang gawin ‘yun.

During the presscon din ay pinapakita niya ang bagong operang braso. “Because I lost so much weight, over a hundred pounds, naturally, mas sagging ‘yung skin. So, I had arms surgery. Nagpatanggal ako ng balat. Kasi, ang payat-payat ko na, ang laki pa nu’ng balat. So, ipinatanggal lang ‘yung extra skin, ‘yun lang.”

Actually hindi pa nga raw gaanong magaling.

Pero ang hindi niya idinetalye ay kung anong stress ‘yun.

“Ito lang, last two months nang mag-start kami nina Alden (Richards) mag-shoot, alam nina Alden ‘yan, na-stress ako.

“’Yung ikinapayat ko itong last last months, ang bilis. May nag-cause sa akin ng stress. ‘Wag na nating ibalik, ‘wag na nating pag-usapan,” aniya kaya nagkaroon siya ng forced diet na kahit gusto niya pa raw kumain ay hindi siya makakain.

Anyway, gaganapin ang  Dear Heart, The Concert sa Oct. 27, 2023 sa SM Mall of Asia Arena. Dahil in demand ang ticket, may kasunod agad ito sa Oct. 30 – VIP Night sina Sharon at Gabby sa Okada Manila’s Grand Ballroom.

Magkakaroon din sila ng  Dear Heart in Cebu sa Nov. 17 at the NuStar’s Convention Center.

ACTRESS

SHARON CUNETA

SINGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with