^

PSN Showbiz

Marian, hindi nai-insecure!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Marian, hindi nai-insecure!
Marian Rivera

Isa si Marian Rivera sa may mga pinakamagandang mukha sa show business. Ayon sa aktres ay talagang nagkaroon siya ng hilig sa paglalagay ng makeup noong nagsimulang sumabak sa entertainment industry. “Kasi way back, okay na ako sa lip tint. No’ng nag-artista na ako and part of the job talaga, nag-invest na ako na kailangan talaga maganda ‘yung quality ng makeup. Mahilig talaga ako eh, pinag-aralan ko siya. ‘Pag mini-make-up-an ako ng make-up artist, nag-o-observe ako. Sinabi ko turuan nila ako kung paano gawing blend, paano gawin ang magandang kulay for me. So nakakatuwa na may mga make-up artist na nagse-share sila kung ano ‘yung bagay para sa akin,” nakangiting kwento ni Marian.

Sa loob ng dalawang dekada nang pagiging aktibo sa showbiz ay kabisado na ng aktres ang mga istilo nang pagpapaganda sa sarili. “May mga shoot na gusto nila medyo smoky eyes, ‘yung iba naman gusto nila no make-up look. So depende sa event na pupuntahan mo,” giit niya.

Nagbigay rin ng payo si Marian para sa mga kababaihang nahihiyang gumamit ng cosmetics. Para sa Kapuso actress ay kinakailangang masanay na rin ang mga Pinay sa ganitong mga gawain. “For me putting makeup hindi ibig sabihin na ‘pag naglagay ka ng makeup insecure ka. It’s the way of how you express yourself eh. Ngayon kasi, parang sinasabi mo na, your face is a canvas. It’s up to you kung paano mo gagawin mo para sa sarili mo to express yourself. For me it’s not insecurity. Kung ‘yon ang feeling mo na maging mas maganda ka, magiging mas may kumpiyansa ka sa sarili mo, why not? You can manage yourself kung saan ka happy, ‘yon ang gawin mo. You shouldn’t care what other people will say to you. Ang importante, kung saan ka maganda na tingin mo. Do’n ka sa susundin mo kung saan feeling mo na maganda ka,” paliwanag ng aktres.

Moira, dinaan sa kanta ang masasakit na pinagdaanan

Naka-move on na si Moira dela Torre mula sa naging hiwalayan nila ng asawang si Jason Marvin Hernandez mahigit isang taon na ang nakalilipas. Ayon sa Hugot hitmaker ay talagang masayang-masaya na siya ngayon kahit walang bagong karelasyon. “Yes, it’s my first time to not be so scared to go home to an empty home. I think I’ve been so blessed to have so many achievements in this past year. But I think my proudest achievement is being able to say for the first time that I like who I am becoming. I’m growing up, there’s so many things that I’m learning. I like where I am and I like who I am even if it’s with no one,” pagtatapat ni Moira.

Ayon sa singer ay isang bagong album ang kailangang pakaabangan ng kanyang masugid na mga tagahanga. Naglalaman umano ito ng mga awiting ibang-iba ang tema kumpara sa kanyang mga naunang mga kanta. “This album looks so much different. This album has grown so much on me, such an uncomfortable growth. Even the unnecessary things that were so painful to experience. Even the things that I would rather not go through again. I’ve come to be so thankful for because if not for them, I wouldn’t have learned things that I have. I put all those lessons in to this album. This is not anymore a tell-tale of how I went through pain, but how I fought for my mother. I do not write things I don’t experience. I do not write things that the people I love don’t experience,” makahulugang pahayag ng singer. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with