‘Di nagmana sa ama? Andres muhlach, ‘di pa nagkaka-girlfriend
Biniro namin si Andres Muhlach parang hindi siya nagmana sa kanyang amang si Aga Muhlach..
Wala pa raw kasi itong nagiging girlfriend at his age now, 21 years old.
Yup, kahit nag-aral na siya sa Spain for three years, at nag-solo na siya sa apartment doon hindi siya nagka-girlfriend.
Kasama nga nina Aga and Charlene ang kambal nilang anak sa tatlong gabing lamay ng namayapa niyang manager na si Tita Ethel Ramos na nai-cremate na last Thursday.
Kinuyog ang kambal nilang anak ng mga entertainment press na kasama sa maraming nakiramay.
Gabi-gabi ngang dumalaw ang mag-anak sa burol ng beteranang talent manager/showbiz columnist na si Ethel mula Lunes hanggang Miyerkules.
At doon nga nila nakita kung paano napalaki ng mag-asawa ang kanilang kambal na parehong mababait, magalang at mababa ang loob kahit mga nag-aral sa ibang bansa.
May natitira pang one year sa school si Andres sa kolehiyo pero hindi na siya babalik sa Spain. Online na lang niya ito tatapusin.
Noong nasa Spain, si Andres mismo ang naglalaba ng kanyang mga damit, nagluluto ng kanyang pagkain. Mas bet din ni Andres ang maglakad noon papasok at pauwi galing school kesa mag-train. Naglalakad siya ng 40 minutes, everyday, papunta ng school at pabalik ng kanyang apartment.
At sa tatlong taong ‘yun, kuwento ni Andres tatlong beses din siyang na-snatch sa Madrid. Nung dalawang beses, hindi niya hinabol ang mga kawatan dahil mas nakakatakot siya na baka may weapon nga naman.
Pero nung third attempt ng kawatan, na-headlock na niya kaya nabawi niya ang necklace na hinablot nito.
Payag na si Andres na tumanggap ng mga endorsement pero hindi pa siya decided kung itutuloy niya na rin ang pagso-showbiz.
Si Atasha ay naka-graduate na with honors sa isang university sa London at ngayon ay contract star na siya ng Viva Artists Agency (VAA). Nagre-recording na rin siya ng dalawang Tagalog songs at galing siya sa recording session bago siya dumiretso sa Necrological Service ni Tita Ethel.
Samantala, punung-puno ang 301 Narra Room ng Nacional Chapels and Crematory sa huling gabi ng wake ni Tita Ethel.
Though hindi na dumating si Sen. Bong Revilla pero emosyonal siya sa kanyang video message. Hindi raw niya kaya ang face-to-face. Ganundin ang sister niyang si former Antipolo mayor Andeng Ynares.
`Ang saya ng eulogy ni Tita Annabelle na rebelasyon na ang namayapang well-loved talent manager and entertainment columnist /editor ang nagpakilala sa kanya sa great love niyang si Eddie Gutierrez.
Talagang detalyado ang kuwento ni Tita Annabelle sa tungkol sa mga pinagsamahan nila ng ilang dekada ni Tita Ethel.
Dumating din si Ina Raymundo na dating alaga ng namayapa.
Hindi naman nagparamdam sina Angel Locsin, Elizabeth Oropesa and Claudine Barretto na may COVID daw sa mga naging alaga nito.
Kabilang din sa mga nakiramay sina Ruffa Gutierrez, Eddie Gutierrez, Niño Muhlach, Phillip Salvador, Lorna Tolentino, Liza Diño-Seguerra, Paul Cabral, Direk Chito Roño, Direk Manny Valera, atbp.
Pinangunahan ni Fr. Joey Faller, Healing Priest ng Kamay ni Hesus, at ng Oasis of Love Choir ang misa. Kumanta ng Lord’s Prayer ang concert king na si Martin Nievera habang ang Inspirational Diva namang si Jamie Rivera at umawit ng Sino Ako sa communion.
Ang OPM icon/hitmaker at concert director na si Ice Seguerra ang nagbukas ng necrological service. Sobrang touching ang rendition niya ng I See You Lord. Nag-perform din si Mark Bautista ng Smile.
Isa-isa namang nagbigay ng eulogy si Rep. Lani Mercado, ang kasamahan ni Tita Ethel sa PAMI (Professional Artists Managers, Inc.) na si Girlie Rodis, Inah Raymundo (dating alaga ng talent manager) at dalawa sa colleagues ng yumao na sina Ed de Leon at Aster Amoyo.
Ilan pa sa mga nag-share ng video messages sina Charo Santos-Concio, FDCP Chairman Tirso Cruz III, Nikki Valdez, Vilma Santos-Recto, Charo Santos at marami pang iba.
Kahapon ginanap ang inurnment sa Christ the King Church matapos ang 9 a.m. mass.
- Latest