Moira, nakakabawi na sa sakit
![Moira, nakakabawi na sa sakit](https://media.philstar.com/photos/2023/09/15/sssas_2023-09-15_22-34-25.jpg)
Kawawa naman pala si Moira dela Torre.
Nagkaroon pala siya ng matinding anxiety kaya siya nagkasakit.
Buti na lang at ngayon ay nakabawi siya kaya bongga na naman ang kanyang career.
At endorser siya ng isang brand ng sangria na ngayon ay top seller.
Bongga talagang sana naman ay maging ok na ok na si Moira.
Marami na ngayong paraan para gumaan ang pakiramdam ng mga may mga pinagdaraanan na katulad ni Moira kaya tiyak na magiging ok rin siya sa lalong madaling panahon.
‘No holds barred’
Ang saya ng lunch natin, Salve, nina Pat-P Daza, Gorgy Rula at friends na sina Tet at Faye. Plus dumating si Bong Revilla na galing sa cremation ni Ethel Ramos.
Nakakatuwa talaga na ‘pag nagkikita-kita kami parang hindi namin napapansin ang oras.
Mapi-feel mo talaga na comfortable kaming lahat dahil kahit nga sumali pa si Bong Revilla sa grupo namin parang lalo pa ngang sumaya.
Sana nga laging maulit ang mga ganitong lunch na no holds barred ang usapan, basta kuwentuhan lang.
At isa lang ‘yun sa nagpapasaya sa buhay ko ngayon.
- Latest