MANILA, Philippines — Mapapanood na tuwing Sabado simula Setyembre 16 ang pinakabagong true-crime anthology ng GMA na Pinoy Crime Stories kasama ang host na si John Consulta.
Tampok sa Pinoy Crime Stories ang malalaki at kontrobersyal na krimen sa bansa gaya ng online crime, slavery, murder, robbery, trafficking, kidnapping, abduction, rape, at marami pang iba.
Hindi na bago si John sa crime beat. Sa loob ng 15 taon bilang reporter, tinutukan niya ang police beat at ibang law enforcement agencies gaya ng National Bureau of Investigation, Philippine Drug Enforcement Agency, at Bureau of Immigration.
Napapanood din si John bilang isa sa mga host ng GMA flagship documentary program na I-Witness at isa sa mga GMA Integrated News’ senior correspondents.
“Dito sa Pinoy Crime Stories, tututukan natin ang bawat kaso – mula sa imbestigasyon hanggang sa paglutas nito. May mga interview sa crime investigators, witnesses, suspects, pati na rin mga biktima. Magkakaroon din tayo ng mga makatotohanang dramatization ng bawat kasong pinag-uusapan at sinusuri sa bawat episode,” paglalahad ni John.
Sa unang episode nito, abangan ang imbestigasyon sa murder case ng 85 anyos na babaeng natagpuang patay sa kanyang tahanan sa Paranaque. Sa naging imbestigasyon, tinukoy ang male helper bilang “person of interest” ngunit napalaya rin siya dahil sa bagong suspect na sa kalaunan ay umaming sangkot sa kaso.
Abangan ang Pinoy Crime Stories tuwing Sabado simula September 16, 4:45 PM sa GMA at Pinoy Hits. Magkakaroon din ng livestream sa Youtube channel at Facebook page ng GMA Public Affairs, at sa TikTok account ng GMA Network at GMA Public Affairs. Para sa Global Pinoys, mapapanood ito sa GMA international channel na GMA Pinoy TV.