May sakit bawal nga bang dumalaw sa patay?

MANILA, Philippines — Sobra ang feeling of guilt ko, Salve. Noong mamatay sina Archie at Oswald na matagal kong nakasama sa Startalk, hindi ako nakapunta sa lamay nila. Ngayon naman, feeling guilty na naman ako na hindi ko man lang masilip ang wake ni Ethel Ramos.

Hindi man kami BFF malaki ang galang at pagha­nga ko kay Ethel.

Tulad din ng respeto ko kay Ricky Lo na itinuring kong very close friend. Ewan ko ba kung saan nanggaling ang superstition na hindi puwedeng pumunta sa wake ang isang maysakit na tulad ko. Saan ba at sino ang nagbigay ng ganitong paniniwala?

Ewan ko kung sa kaso ko patatawarin ko ang mga friend ko na hindi man lang sumilip pag ako na ang nawala.

Talagang hindi ako mapakali nun pa dahil nga mga mahal ko bilang kaibigan sila Archie, Oswald at Ethel.

Sana nga sapat na ang mga dasal ko para sa tahimik nilang paglalakbay.

Sana nga alam din nila na dahil lang sa paniniwala na masama sa isang maysakit ang pumunta sa wake kaya ‘di ko sila nadalaw.

Pangako kong palagi kayong nasa dasal ko.

Dahil alam ko na mas malawak ang pang-unawa ninyo, at patawarin ninyo ako na hindi ko kayo nasilip sa huling sandali ninyo sa mundo lalo ka na Ethel. Mananatili kayo sa aking alaala habang nabubuhay ako.

Ngayong araw ang cremation ni Ethel, magkakaroon muna raw ng misa ng 10:00 to 11:00 at pagkatapos nito ay saka siya iki-cremate.

Ibinurol siya sa Nacional Chapels and Crematory sa Araneta Avenue.

Rest in Peace, Ethel.

Show comments