John: ‘mamamatay akong aktor!’

John Arcilla

MANILA, Philippines — Nag-e-enjoy si John Arcilla ngayon sa pagiging game show host para sa programang Spin Go na napapanood araw-araw sa TV5.

Para kay John ay ibang-iba ngayon ang kanyang ginagawang trabaho kumpara sa pagiging isang aktor sa telebisyon man o pelikula. “Dito kasi wala akong problema. Wala akong kaila­ngang i-characterize. Ang maganda lang dito nakaka-unwind ka, nakaka-relax. Hindi siya makakasagabal o hindrance at all. In fact, makakadagdag ito para ma-refresh ako sa gagawin ko pa,” bungad ni John.

Ayon sa premyadong aktor ay hinding-hindi naman iiwan ang pag-arte kahit masaya ngayon bilang isang TV host. “Hindi ko naman totally iiwanan ang acting. Ilang taon na akong artist mula pa sa theater. When I do projects, I see to it na ang projects ko ay mayroong mata-touch na audience na somehow mali-liberate sila, mata-touch mo ‘yung heart nila. Definitely hahatiin ko ang acting and hosting kasi super fun talaga ito. Kung magtutuloy-tuloy ito thank you so much, itutuloy ko,” paliwanag niya.

Mahigit tatlong dekada nang aktibo si John sa pag-arte sa entablado, telebisyon at pelikula. Nakikita umano ng aktor na ipagpapatuloy niya ang minahal na trabaho sa mga susunod pang dekada. “Nakikita ko ang sarili ko na katulad nina Al Paccino, Robert De Niro, Eddie Garcia, na kahit 90 years old na kapag kaya ko pang mag-memorya at kailangan pa ako ng industriya, mamamatay akong aktor. Nakikita ko ang sarili ko na hanggang sa pagtanda ko hindi ako titigil sa pagtatrabaho bilang aktor. Kasi very fulfilling para sa akin talaga ‘yung pagiging isang aktor, hindi lang siya self-fulfillment. Actually, it’s a commitment at isang service sa audience ang pagganap ng mga karakter,” paglalahad ng aktor.

Jomari at Abby, palaging nagha-honeymoon

Nakatakdang ganapin ang civil wedding nina Abby Viduya at Jomari Yllana sa Las Vegas ngayong Nobyembre.

Ayon sa aktor ay ang church wedding na posibleng mangyari sa mga susunod na taon ang talagang pinagha­handaan nila ni Abby.

Konsehal ngayon si Jomari sa 1st district ng Parañaque kaya agad na babalik sa bansa pagkatapos ng kasal sa Las Vegas. “Hindi ako pwede mawala ng Thursday, regular session namin ‘yon. I cannot be away from work as a councilor, as a legislator. So pupunta kami ng Halloween for a break. We’ll just fly out very quick. Wala naman kaming preparation. Ang malaking preparation ‘yung church wedding namin sa 2024 or 2025. ‘Yon ‘yung big preparation. Mag-quick getaway lang kami sa ibang bansa dahil isasabay ko siya sa Halloween,” pagbabahagi ni Jomari.

Hindi raw nagmamadali sina Jomari at Abby para sa kanilang honeymoon. Ang mahalaga para sa actor-politician ay pareho silang masaya sa relasyon bilang magkasintahan at bilang mag-asawa na sa mga susunod na buwan. “Sarap, we’re very happy and blessed. We’re doing everything together. Okay na ako, gagarahe na ako. I’m doing what I love and I’m together with the one I love. Lagi naman kaming honeymoon. Madami kaming gustong puntahan pero para naman kaming honeymoon lagi. So meron kaming Holy Land, Europe. So biyahe-bihaye lang din,” pahayag ng actor-politician. (Reports from JCC)

Show comments