Dyosang-dyosa si Marian Rivera sa kanyang white outfit sa Preview Ball 2023 last Friday, Sept. 8.
Lutang ang ganda niya sa suot na white satin dress by Shona Joy and white blazer na may gold details from Schiaparelli.
Medyo wavy naman ang hairstyle niya.
At si Marian pala ang kauna-unahang nakatanggap ng Style Icon award sa Preview Ball.
At dahil sa mga trending TikTok video niya, ang dami raw ngayong inquiry ng endorsement sa Kapuso superstar.
Anyway, nag-resume na ang taping ni Marian sa kanyang primetime series na may working title na Against All Odds with Gabby Concepcion.
Nagkaroon daw ng short break ang taping sa pakiusap ng actress dahil opening ng classes ng mga anak.
At super ang ‘emote’ ng mga kasama niya sa taping dahil lagi raw silang busog na busog dahil sa mga dalang pagkain ni Marian. Kaya feeling daw nila, tataba silang lahat sa taping.
Saka kilalang masarap magluto ang misis ni Dingdong Dantes.
Anyway, marami namang ibang mga rumampa sa Preview Ball pero parang naging ordinary na lang dahil sunud-sunod ang mga ‘Ball.’