Christian, napilit lang ang misis na pakasal!

Kat at Christian

Hindi pala naniniwala sa kasal ang misis ng singer na si Christian Bautista na si Kat Ramnani.

Inilantad nito na ayaw pala talaga niyang makasal. Nang tanungin siya kung anong dahilan, kwento niya, “I came from a single-parent household, so it wasn’t modeled for me na ganito pala ang marriage. It was my mom, sister, and I against the world.”

Nang makilala raw niya ang mister ay hindi niya naramdaman na karapat-dapat siya at mahal siya nito at her worst.

“When Christian and I found each other, I was in a place na hindi ko na-feel na I deserve love. Na-feel ko lang na parang ‘yung buhay ko should be to support my mom and my sister. Hindi ko na-feel na worthy ako at na mahal niya ako at my worst.”

Si Christian daw ang nagparamdam sa kanya sa unang pagkakataon na gusto niyang makasal.

Pagbabahagi niya, “Ipinakita niya sa akin what I could be at my best, so how could you not know that’s not the person for you? For the first time, I knew in my heart I wanted to get married.”

At tinapos niya ang kanyang kuwento sa pag-amin na ang singer daw talaga ang unang taong ginusto niyang pakasalan.

“He’s the first person I’ve ever wanted to marry.”

Nag-propose si Christian kay Kat noong October 2017 at ikinasal noong November 2018 sa Bali, Indonesia.

Abala ang mag-asawa sa kanilang NYMA (Now You Must Aspire) Talent Management na nagco-co-manage rin sa career ni Christian. Bongga.

Show comments