Rhian sumali sa Alopecia Awareness, inaasahang sa kasal na rin ang ending kay Sam Verzosa
MANILA, Philippines — Hinangaan ng mga Kapuso ang high-rating primetime series na Royal Blood dahil sa episode nito tungkol sa alopecia kamakailan.
Very timely naman ang pag-ere nito dahil this September ginugunita ang Alopecia Areata Awareness Month na nakasentro sa autoimmune disease na dahilan ng pagkaubos ng buhok ng isang pasyente.
At nito nga lang Biyernes, na-reveal sa nasabing drama series na may alopecia pala ang karakter ni Rhian Ramos na si Margaret. Kasunod ng matinding plot twist at pasabog na performance ni Rhian, muli na namang umani ng papuri ang serye mula sa netizens.
Komento ng ilan: “Deserve ni Rhian Ramos ng Best Actress award! Sobrang solid ng acting. Grabe nakakadala ang iyak ni Margaret! Magaling silang lahat! Bagay sa kanila ang roles ng bawat isa. This is the only drama series na pwedeng ipangtapat sa K-Drama. ‘Yung plot twist, characters at events, sobrang husay! More series sana na gaya nito. Hindi siya typical storyline na mahuhulaan mo agad ‘yung next move at plot.”
Samantala, bongga ang rampa ni Rhian sa Venice Film Festival.
Suot niya ang gown na gawa ni Mark Bumgarner.
In all fairness, elegant and effortless sa kanyang ballgown na inasahang sa kasal na rin ang ending sa relasyon kay Partylist Rep. Sam Verzosa.
- Latest