^

PSN Showbiz

Jillian, marami nang pasyente!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jillian, marami nang pasyente!
Jillian Ward

MANILA, Philippines — Napagkamalan palang totoong doktor ang Kapuso star na si Jillian Ward. Siya ang isa sa bida na gumaganap na doktor sa seryeng Abot-Kamay na Pangarap.

Binansagan nga siyang New Teen Queen dahil sa kanyang role sa serye.

Inamin niyang iniiyakan pala niya noon habang mag-isa siya sa kwarto ang pagganap bilang doktor.

Sobrang nai-stress daw siya lalo na sa medical terms at tamang pronunciation sa mga ito.

“Well ngayon po, hindi na masyado, siguro po nasanay. Pero noong una po talaga, as in iniiyakan ko po siya mag-isa sa kuwarto. Nakaka-stress po kasi siya kasi kailangan po ang medical terms, in order po talaga sinasabi, tama po ‘yung pronunciation.”

Dahil sa galing niya sa kanyang role, meron pa nga raw nagpapagamot sa kanya at nagpapadala ng mensahe sa kanya. Kung anu-ano raw sakit ang kinokonsulta sa kanya.

“Siguro po kasi ‘yung story po talaga namin, sobrang inspirational. And si Analyn po kasi ‘yung character po talaga na ‘yon is marami pong values. Hindi lang po siya masipag na doktor at makatao, kumbaga hindi niya po nakakalimutan ‘yung nanay at tatay niya rin, ‘yung family niya,” sey ni Jillian.

Talagang minahal ng mga manonood ang karakter niya at hinahangaan siya. Marami rin ang nai-inspire sa kanya bilang si Analyn.

Hindi imposible na maraming bata ang gusto na ring magdoktor dahil sa kanya. Bongga.

vuukle comment

JILLIAN WARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with