^

PSN Showbiz

‘It’s Showtime!’ tuloy sa pag-ere sa kabila ng 12-day suspension ng MTRCB

Philstar.com
‘It’s Showtime!’ tuloy sa pag-ere sa kabila ng 12-day suspension ng MTRCB
Litrato ng hosts ng "It's Showtime" ngayong ika-5 ng Setyembre, 2023
Released/It's Showtime

MANILA, Philippines — Nagpatuloy sa pag-ere ang "It’s Showtime" sa kabila ng 12 araw na suspension na ibinaba sa kanila ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Idiniin ng "It’s Showtime!" na naniniwala silang wala silang nilabag kaugnay ng kontrobersyal na pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng cake sa harap ng mga bata, bagay na nakitang "malaswa" ng ilang manunuod.

“Natanggap namin ang ruling ng MTRCB na nag-uutos na isuspinde ang "It’s Showtime!" sa loob ng 12 araw mula sa pinalidad ng desisyong ito… Kami ay maghahain ng motion for reconsideration dahil naniniwala kami na walang nangyaring paglabag sa anumang batas,” banggit ni Jhong Hilario sa isang pahayag sa umpisa ng kanilang pag-ere nitong Martes, September 5.

Kaugnay nito, iniyahag din ng programa na patuloy lamang ito sa pag-ere habang hinihintay nakahain pa ang kanilang motion for reconsideration.

“Habang nakabinbin ang motion for reconsideration, ang desisyon ng suspensyon ng programa ay hindi pa pinal at epektibo,” dagdag ni Hilario.

“Patuloy din kaming makikipagugnayan sa MTRCB para makapagpatuloy ang ‘It’s Showtime!’ sa paghahatid ng libangan at saya sa minamahal naming madlang people”

Maaalalang inanunsyo ng MTRCB ang desisyong isuspende ang programa noong September 4 matapos itong makatanggap ng mga reklamo para sa July 25 episode nito kung saan ipinakita ang host na si Vice Ganda na dumila sa frosting ng cake sa kanyang karelasyon na si Ion Perez. 

Ex-MTRCB nalungkot sa desisyon

Umani ang desisyong ito ng samu’t saring reaksyon sa mga tao mula sa industriya ng telebisyon.

Para kay dating MTRCB chairman Atty. Eugenio "Toto" Villareal, nakakalungkot ang naging desisyon at pinanawagan ang mas malalim na pagsusuri sa kung nakalabag nga ba ito ng batas.

“Kung kaya’t kahit may sarili akong paniniwala, kailangan na siyasatin, aralin kung magdedesisyon… Kaya maganda tingnan yung mismong naging desisyon ng hearing and adjudication committee kung saan sila nanggagaling,” sabi ni Villareal sa isang panayam sa programang "Gising Pilipinas."

Para naman kay Suzette Doctolero, GMA Screenwriter at isa sa mga deputies ng MTRCB, dapat lamang na masinsinang i-review ang sinabing paglabag sa batas ng "It’s Showtime!" at hindi agad humantong sa pagsuspinde nito.

“Instead of resorting to extreme measures that could be perceived as undermining the rival show, I hope MTRCB aspires to promote fairness and healthy competition in the world of television… This is the only way to ensure our industry’s growth,” sabi ni Doctolero sa isang post sa kanyang Facebook account. — intern Matthew Gabriel

CAKE

ION PEREZ

IT'S SHOWTIME

JHONG HILARIO

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with