^

PSN Showbiz

Pagkatapos ng aktor, Erich iniintrigang may problema ang married life Jericho, magpapabilib sa monday drama

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Pagkatapos ng aktor, Erich iniintrigang may problema ang married life Jericho, magpapabilib sa monday drama
Jericho Rosales at Erich Gonzales

Iba’t ibang emosyon ang hatid ng Asian Drama King na si Jericho Rosales sa kanyang pagbida sa Monday Drama block ng Cinema One ngayong Setyembre.

Saksihan ang iba’t ibang karakter niya bilang mapagmahal na ama na si Robert sa Alagwa (Set. 4), musikerong si Diego sa Siargao (Set. 11), tapat na nobyo na si Joven sa Nasaan Ka Man (Set. 18), at ex-boyfriend na si Ethan sa #Walang Forever (Set. 25) na mapapanood tuwing Lunes, 9pm.

Samantala, tampok din ang Kapamilya aktres na si Erich Gonzales at ang kanyang mga pelikula ngayong buwan.

Bibida siya bilang ang masayahing baker na si Joey sa Suddenly It’s Magic (Set. 18), aswang na si Corazon sa Corazon: Ang Unang Aswang (Set. 19), stuntwoman na si Kray sa We Will Not Die Tonight (Set. 20), hopeless romantic na si Yumi sa I Do (Set. 21), at campus princess na si Erin sa Once a Princess (Set. 22) na eere mula Lunes hanggang Biyernes, 7pm.

Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers.

Samantala, ba’t kaya nababalitang may problema ang marriage ni Erich Gonzales?

Ikinasal si Erich sa kanyang businessman boyfriend na si Mateo Lorenzo sa isang intimate wedding ceremony noong March 23, 2022.

Pagkatapos ikasal ng actress ay hindi na siya napanood sa teleserye.

Naunang naintriga si Jericho na may problema sa pagsasama nila ng kanyang misis na si Kim Jones.

ACTOR

ACTRESS

ERICH GONZALES

JERICHO ROSALES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with